Sa mga lumahok sa sesyon ng impormasyon bago pumasok sa paaralan sa ibat ibang wika at tungkol sa inyong mga katanungan, ito ang mga kasagutan ng lupon ng edukasyon ng lunsod.
Mangyaring sumangguni.
1 .HALAL( Pagkain ng mga muslim na ligtas at maaaring kainin). Ang pananghalian ba sa paaralan ay inaalok?
Kung wala, paano ang gagawin sa pananghalian ng bata?
→Hindi sumusuporta sa HALAL ang paaralan.
Kung hindi makakakain ang bata ng pananghalian, Maaaring magdala ng baon galing sa bahay.
Kung ang dahilan ay sa relihiyon. Makipag usap kaagad sa paaralan at humingi ng payo.
2.Kung sinabi ng bata na ayaw ng pagkain ng paaralan, Maaari ba na magdala ng baon?
→Pagkakaiba ng kultura ng pagkain at relihiyon ay maaaring mga dahilan.
Makipag usap sa guro ng paaralan, upang maliwanagan ang mga nararapat gawin.
3.Sa paaralan ng Indonesia, may pagbabakuna at ineksyon ng Bitamina.
Mayroon din ba dito sa paaaralan ng hapon?
→Ang pagbabakuna at ineksyon para sa bitamina ay hindi ginagawa dito sa Hapon. Depende sa bawat pamilya kung nais magpabakuna sa institusyong medikal.
4.Mayroon ba ng interpreter sa pakikipag usap sa guro ng paaralan?
→ Walang nakatalaga na interpreter sa bayan ng Nishio.
Depende sa paaralan at lupon ng edukasyon ng hapon na bumibisita at sumusuporta. Depende rin sa paaaralan,kaya maaaaring magtanong kung may interpreter o wala.
5.Kung sabado at linggo ba ay may klase?
→Sa prinsipyo ng paaralan, ang sabado at linggo ay walang pasok.
Ngunit kung araw ng palakasan at may kaganapan na dapat gawin. Kinakailangan pumunta sa paaralan.
At kapag pumasok na sa Junior High school, may gawaing extra curricular or ( Bu Katsudou) na ginaganap tuwing Sabado at Linggo.
6.Aplikasyon ng pagpasok, kailan dapat gawin?
→Kung may sertipiko ng paninirahan sa Nishio, doon sa malapit na paaralan ng bayan ay maaaring pumasok.
Sa Setyembre hanggang Oktubre bawat paaaralan ay may medical check up . At darating sainyo ang sulat ng pagpasok sa Enero hanggang Pebrero.
Kung pumapasok na sa Nursery o kindergarten sa bayan ng nishio. Ibabahagi sainyo ng nursery o kindergarten ang mga nararapat gawin.
At kung may dumating na abiso at gabay, mangyaring pakibasa ito.
Kung gustong pumasok sa paaralan at hindi dumating ang sulat para sa pagsusuri o medical check up para magpadala ng admission , makipag ugnayan sa paaralang elementarya….
