Ekskursyon sa Taglagas 2026

Pagkatapos ng mahabang panahon ng tag-ulan, nagkaroon na ng malinaw na panahon ng taglagas.

Oktubre 1, isinagawa ang ekskursyon ng kanen class.

Ang layunin ay puntahan ang Museo ng Buhay at Agham dagat sa Lungsod ng Gamagoori.

Nagkitakita sa Estasyon ng Nishio at sumakay sa Meitetsu train papunta ng estasyon ng Gamagoori “gatang gotong ” ang tunog…

Hindi ang laging ekspresyon ang nakita sa kanila. Nakatingin sa labas ng bintana ng train at nakikipag-usap sa kaklase.

Sa Museo ng buhay at Agham dagat, may inihandang video upang mapanood at inilibot sa loob ng gusali. Bago pumunta ang mga mag-aaral ay may inihanda ng misyon ng paunang pag-aaral tungkol sa lugar at masaya silang tumingin at nag-ikot sa loob ng gusali .

Pagkatapos kumain sa kaaya-ayang deck na gawa sa kahoy. Lumipat sa pangalawang pasilidad, ito ang museo.

Nandito ang mga bagay na sa aklat-aralin lang makikita. Lokomotibo na de-singaw at mga sinaunang kagamitan sa pamumuhay.

Mararamdaman ang lumang tekstura, amoy at laki ng mga bagay na hindi mo makukuha sa dokumento o website.

May mag-aaral na kumukuha ng litrato na intresado sa lumang bagay at kasaysayan.

Ang saya「 Hindi ko alam na may ganito ka intresadong lugar na libre pala 」. Kung ang karanasang ito sa pagkatuto ay magkakaroon ng malawak na interes sa mga mag-aaral. Nakakatuwa.

【Nee, nee Sempai no kai】pakikinig at pag-uusap

Habang sabay sabay na kumakain ng tanghalian, makinig sa sasabihn ng nakatatandang mag-aaral!

Tulad ng inaasahan, mainit ang bakasyon ng tag-init ngayung taon. Nag sama-sama ang mga mag-aaral sa kolehiyo, senior high, junior high habang kumakain ng obentong inalok ng Ohsho san at pinag -usapan ang tungkol sa karagdagang edukasyon para sa kinabukasan.

Ang mga mag-aaral ng KIBOU na junior high ay nag tanong sa Sempai ng Kolehiyo at Senior high school .

「Paano kayo nagdesiyon ng pagkuha ng pagsusulit sa pagpasok?」「Ano ang ginawa ninyo upang makapag konsentrasyon sa pag-aaral?」、「Ano ang pagkakaiba ng pamumuhay ng Senior high school at junior high school?」at iba pa…..

Nagtanong din ng iba’t ibang nararamdaman sa araw araw at mga ipinag-aalala.

Ang sagot ng nakakatandang mag-aaral ay,

「 Habang nag-aaral sa 1rst year and 2nd year ng junior high, mahalaga ang gumawa ng masayang alaala at magkaroon ng maraming kaibigan.」
「At sa 3rd year ng junior high, kailangan na ang pagbutihin ang pag-aaral.

Binigyan nila kami ng payo galing sa kanilang karanasan.

Sa palagay ko, medyo gumaan ang pakiramdam nila sa mga narinig nilang usapan sa mga nakakatandang mag-aaral. At mayroon siguru na nagisip na「pagbubutihin ko rin ang pag-aaral」
Para sa mga bata, ang 「Ne, ne, Sempai no Kai」ay pagkakataong pag-isipan ang kanilang karera sa pag-aaral at buhay sa paaralan sa hinaharap.

Sesyon ng impormasyon sa paaralan 2026 na may iba’t ibang wika.

Agusto 29 (sabado) taon 2026 ng umaga ginanap ang Sesyon ng impormasyon ng paaralan na may iba’t ibang wika. Sa unang palapag ng nishio tamokuteki hall.

Mahigit sa 50 grupo ng pamilya ang nag-apply. Mararamdaman ang kanilang masigasig na interes sa usapin.

Ang mga dumating na tao ay may siyam na iba’t ibang wika na pagpipiliian. Mayroon ding dumating na hindi kailangan ang tagasalin. Tulad ng matagal ng namumuhay sa Japan. At napansin din na marami nang mga magulang na dito ipinanganak at lumaki sa japan.

Ang mga inihanda sa venue ay ang mga sumusunod :

★papel ng sesyon ng impormasyon sa pagpasok sa iba’t ibang wika

★Pagbisita sa bahay at pagpapakilala sa JIDO club sa video.

★mga gagamitin sa pagpasok

★lugar para sa mga nais may itanong ( tungkol sa elementarya at Jido club)

★lugar ng laruan at regalo

Para sa mga dumalo, may transceiver mula sa dibisyon ng edukasyon sa paaralan na gagamitin para sa sabay- sabay na tagasalin upang maintindihan.

Unang grupo ay wikang Tsino, Wikang Biyetnamis, Wikang Indonesya, Wikang Nepal at Wikang Hapon

Ikalawang grupo ay Wikang Portuges, Wikang Filipino, Wikang Espanyol, Wikang Ingles at Wikang Hapon.

Ipinatupad ang mga hakbang na naayon sa bawat isa.

Nakisama rin ang mga batang makinig kasama ang magulang hanggang matapos at nanood ng video. Bago umuwi, ang mga bata ay naglaro ng wanage at binigyan sila ng gantimpalang regalo.

May mga batang nagtatalon sa tuwa habang pauwi.

Dahil sa pagkakaisa ng lahat, maayos na natapos ang lahat!

Maraming salamat!

※Ang regalong maliit na bagay at mga gamit sa pagsulat ay nanggaling sa Food Bank Nishio San.

※Ang ilan sa kagamitang sa pag-aaral na naka-display ay hiniram mula sa Nishio City Chilcare Support Center.

(Klase ng Pagbabasa)Magsaya tayong magbasa ng malakas!

Ngayong taon, ang klase ng pagbabasa ay hinati sa dalawang grupo.Bawat klase ay may isang oras ng pag-aaral, tuwing 1:00 pm hanggang 2:00 pm at 2:00 pm hanggang 3:00 pm.

Ginagawa namin ang pagkukuwento, paggawa ng takdang-aralin, papel nakalimbag at mga kard na bokabularyo.

Kada linggo,pumipili kami ng aklat na may larawan para basahin sa mga bata. Marami kaming itinatanong sa kanila, upang maisalaysay ang kuwentong binasa (at magsalaysay ng buod) aktibo silang lahat.

Ang aklat para sa linggong ito ay ang ( DALAWANG SAGING ) . Tungkol ito sa isang batang saging na masigla, isang batang tampuhin at tungkol sa pagkakaibigan.

Talagang nakakawili ang aklat na may larawan.

Pagkatapos basahin ang aklat ng larawan ay nagsulat sa kuwaderno. At pumili ng gustong maskara ng iba’t ibang pagkain at kumuha ng larawan bilang pagunita.

Matutuwa kami kung ang aktibidad ng pagbabasa ng malakas ay makakatulong sa mga bata na magkaroon ng interes sa mga aklat at magkaroon ng hilig sa pagbabasa.

Tapos na ang unang termino ng OTONANO NIHONGGO! (klase ng may edad sa wikang hapon)!

Noong Hulyo 14, natapos na ang unang termino ng otonano nihonggo (klase ng may edad sa wikang hapon).

Salamat sa inyong pagsusumikap.

Sa huli, nanood at nakinig tungkol sa kuwento ng “TANABATA” ( Pista ng Manghahabi) at gumawa ng tanzaku,

( papel na ginupit korteng pahaba) susulatan at isasabit sa sangay ng sasa.

Nawa’y umabot sa mga bituin ang inyong minimithi ~

Ang sunod na pangalawang termino ay sa Agusto, magkita-kita muli tayo.

Maaari ka rin mag-apply mula sa ikalawang yugto. Mangyaring makipag-ugnayan.

Ikaapat na JICA Overseas Cooperation Corps Returnee Member Social Return Award: Multicultural Harmony Award

Nitong nakaraan lamang ay tumanggap ng parangal ang supervisor ng KIBOU na si Ms. Kimie Kawakami na Multicultural Harmony Award mula sa JICA Overseas Cooperation Corps Returnee Member Social Return Award.

Link ng article ng JICA→ https://www.jica.go.jp/volunteer/obog/syakaikangen/

Ang parangal na ito ay binibigay sa mga taong nagsisikap na bigyang solusyon ang mga social issues gamit ang kanilang mga karanasan bilang overseas cooperation corps, maging sa loob at labas man ng bansa, o opisyal at personal man ang mga ito.

Ang parangal na ito ay ibinigay dahil sa patuloy niyang pagbahagi ng suporta sa mga foreign children at kanilang mga magulang mula 2008 hanggang sa kasalukuyan.

Hindi namin ito makakamit kung wala ang tulong galing sa aming mga tagasuporta at community organizations. Maraming salamat po.

Ipagpapatuloy pa rin ng KIBOU ang pagpapalaganap ng aming suporta upang makamit ang zero unenrolled children.

Inaasahan namin ang inyong patuloy na suporta.

Nagpunta kami sa Konsiyerto ng PIANO🎹!

Nagpunta sa konsiyerto ng PIANO ang mga mag-aaral na lingguhang klase ng kanen na pang umaga.

Isang konsiyerto sa lobby ng Nishishin Cultural Center(dating Nishio City Cultural Hall )

Bago magsimula ang konsiyerto ay medyo may lugar pa, ngunit kaagad itong napuno at wala ng maupuan.

Maraming tao ang inaabangan ito.

Inabot ng 40 minutos ang kahangahangang pagtatanghal ng pianista.

Mahalaga ang makadalo sa mga konsiyerto at makinig ng live na pagtatanghal na tulad nito.

Mabuti na lang at malapit ang cultural center!

Ibahagi sa inyong pamilya at kaibigan ang inyong karanasan sa inyong napanood.

Nag Field trip kami ! Nagpunta kami sa「MISO PARK」sa NISHIO

Ang mag-aaral sa klase ng pang-umaga ay nagpunta sa “MISO PARK” noong Mayo 28 ( huwebes).

Bilang paunang kaalaman na matuto, pumunta kami upang malaman ang mga pagkaing gawa sa soya na sumusuporta sa ating pang araw-araw na kabuhayan.

Nakapasok kami sa loob ng pagawaan, madilim ang loob at maaamoy ang MISO.

Napag alaman namin sa ika 10 tagapag-mana ng henerasyon, ang miso ay may malalim na kasaysayan at mga bareles nito. At kung gaano kahalaga ang miso sa oras ng kalamidad. Maraming salamat.

Gumawa ng ” bilog na Miso” ang mga mag-aaral bilang karanasan at inuwi upang ipasalubong.

Ano kaya ang ikukuwento nila sa bahay.

Aabangan ko yan.☆彡

🌀BAGYO Blg.6 : KAPAG MAY BABALA NG BAGYO. WALANG PASOK.

Papalapit na sa Japan ang bagyong Numero 6 .

Ang nishio ay nasa katimugang Lugar ng Nishi Mikawa .

At kung may ,

BABALA NG BAGYO(Boufukeihou)

Walang pasok lahat ng klase .

Nagbabago ang landas ng bagyo. Mangyaring araw araw alamin Ang (Balita Ng panahon☀☔🌀)

Bago dumating ang bagyo.Sana ay gawing linisin ang beranda upang hindi matumba Ang mga bulaklak at paso.At para hindi tamaan ang bisikleta.

Pagpapakilala sa kanen class

Mayroong klase ng Kanen class sa KIBOU.

Ang klaseng ito sa wikang hapon ay para sa 18 taong gulang at hindi nakapag-tapos ng pag-aaral.Ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga mag-aaral na umangat sa mas mataas na baitang o antas ng edukasyon.

(Depende sa uri ng kunsultasyon,layunin namin tulungan ang mga kabataang naghahangad na makapag-trabaho.)

Ang mga nakatatandang “kanen class” na nakapagtapos ng pag-aaral. Sa mga nagdaang araw, ganito ang nalaman sa kanila.

⇩

◇16 na taong gulang ng papuntahin ng mga magulang sa Japan, walang balak na magtrabaho, araw-araw walang ginagawa, laging nasa trabaho ang magulang at busy, gustong magkaroon ng kaibigan.

◇Nakatira sa japan ang mga magulang at siya ay nasa malayong bansang sinilangan. Kararating lang ngayung taon sa japan. Noong  nakaraan, masaya ang mga magulang ko at nasiyahan din ako, para akong turista pagkatapos noon, araw-araw wala na akong ginagawa.

◇Tumigil sa pag-aaral sa bansang sinilangan at 17 taong gulang ng dumating sa Japan. Mag-aaral ako sa ngayon at pag-iisipan ang kukuning karera sa hinaharap.

◇Matagal ng naninirahan sa japan, Tumigil ako sa high school. Gusto ko muling mag-aral sa part time high school habang nagtatrabaho.

◇Nagtapos ng high school sa Japan at nag-aral ako sa paaralan para sa mga dayuhan, ngunit nagsimula akong mag-isip tungkol sa pagpasok muli sa senior high school. Wala akong alam, kailangan ko ng tulong tungkol sa nilalaman ng pagsusulit, paano matatanggap at mga pamamaraan ng aplikasyon.

Maraming magagandang puntos kapag pumasok sa senior high school…

⇩

1. Sa mga institusyong pang edukasyon lamang tulad ng paaralan mararanasan at maaaring lumahok sa mga aktibidad = Ang karanasan ay kayaman.

      2. Matuto ng sama-sama at makipagkaibigan = Napakahalaga ng pagkakaroon ng kaibigan na makakausap ng positibo.

      3. Tungkol sa trabaho.Maaaring humingi ng payo sa paaralan,

      ➡Ang paaralan sa Japan ay hindi lamang para matuto, Kundi para makapag-trabaho at maraming mga guro ang magbibigay saiyo ng mabait na payo tungkol sa karagdagang edukasyon.

      4. Magkakaroon ng ekspiriensya sa mga importanteng kaganapan at aktibidad ganon din ang tungkulin bilang lider ng klase = Sa pagkakaroon ng tungkulin sa loob ng klase at grupo, magkakaroon ng tiwala sa sarili at magiging magaling sa pakikipag-usap kapag naging miyembro na ng Lipunan. Isang mahalagang karanasan.

      5. Hindi makakakuha ng pagsusulit sa pagpasok sa vocational kung walang diploma ng high school.Maraming mga unibersidad at iba pang institusyon→Kusinero ng pastry,tagapag-ayos ng buhok, nars, attendant sa paglipad, guro sa nursery, guro sa kindergarten, guro sa paaralan,tagapag-alaga sa zoo at iba pa. Halos lahat ang iniisip ay (ang galing niyan, gusto ko maging ganyan)ang trabaho ko. Lahat ito ay kinakailangang may kwalipikasyon.

      Upang makakuha ng kwalipikasyon, Kailangang pumasok sa vocational at unibersidad, At para makapasok sa paaralang ito, Kailangan ang diploma ng high school.