Napakaraming libro ang kanilang binasa, At makulay na isinulat sa talaan ng pagbasa. Ginawa ng lahat ang kanilang makakaya. Kasama nila ang mga guro kapag mahirap ang pag aaralan. Nagawa ng maayos at masaya ang pagbasa ng libro sa loob ng isang taon.
Pagkatapos ng pag aaral ay gumawa ng zodiac Dragon.
Tuwang tuwa ang mga bata sa pag gupit ng Dragon shape. Pagkatapos makagawa , ang mga bata ay inikot ikot ang Dragon. At tuwang tuwa ang lahat.
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat inyong lahat!!!!!!!!!
Taon ng 2024, buwan ng Abril, mga batang 5 taong gulang na papasok sa elementarya kasama ang mga magulang,, ito ang ”OYAKO PRESCHOOL”…
Ang paksa sa Nobyembre ay “panahon”.
Ang mga nararamdaman sa panahon ay ikukuwento at gagawin sa Paper puppet habang nakikinig at nanonood. Tulad ng pag gawa kay ” HARI San “..♬Kasama ng mga bata ang mga magulang kaya masaya sila nag aaral.
Sa bawat bagay na ginawa ng bata na tama,, ay tumitingin sa magulang at nakangiti… Sa mga pamilya na nakatira sa Nishio na may anak na Nencho san. Bago pumasok sa paaralan, na gustong pag aralin ng wikang hapon ang anak. Maaari kayong tumawag at mag apply sa nais ninyong wika sa (SMS o messenger….)
Alam niyo. Nanalo sa buong Japan ang Aichi Prefectural Board of Education Award sa presentasyon ng karanasan ng buhay ng isang part timer high school student !!!!
Higit pa rito, sa pambansang kompetisyon napanalunan natin ang Gawad ng Direktor ng Human Resourses ng Ministry of Health and Welfare!!!!
Nakakatuwang makita ang mabilis na paglaki ni Megumi sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob ng payo mula sa ibat ibang tao.
May mga junior student din na gustong sumunod sa yapak ni megumi at naghahangad ng tuktok ng tagumpay!!!
Naanyayahan kami na mag ani ng kamoteng kahoy.!Masaya…
Sa Brazil, Pilipinas at Indonesia ay madalas na pagkain ang kamoteng kahoy. Ginagamit din sa pag luluto ang dahon nito at niluluto sa gata ng niyog. Sa mga meryenda rin ay masarap ito.
Ang mga kamoteng kahoy na inani ay hinati hati sa lahat at iniuwi ng mga dumalo.
Noong huling sabado ng Agosto idinaos ang sesyon ng impormasyon ng paaralan sa ibat ibang wika.
Ngayung taon din ay marami ang dumalo, Maraming salamat sa mga tumulong at nakiisa upang maganap ang sesyon!
Marami ang nag apply na magulang na nagsilang ng anak dito sa japan, sa mga nag papalaki ng anak at naramdam ang kanilang mataas na interes tungkol sa impormasyon. Naniniwala kami na ang mga tamang paliwanag at kaalaman ang pinakamahalagang tungkulin upang maihatid ito para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagkalito ng magulang o tagapag-alaga.
May mga nag apply ngunit hindi nakarating, ito ay dahil sa may trabaho! Huwag mag alala dahil ipapadala sainyo ang mga papeles tungkol sa mga pinag-usapan.
At nakakatuwa ay may Japanese din na sumali sa sesyon (^o^). Natural lang na alam na ng Japanese ang tungkol sa bansa nila, ngunit hindi lahat ng bagay ay alam tulad ng pag pasok sa paaralan sa unang pagkakataon. Tulad ng kung bago ang tirahan , at wala pang kakilala sa paligid. Maraming ganitong pangyayari.
Kung ito ay mababasa ng japanese na magulang na may alalahanin tungkol sa binanggit sa taas na usapan,huwag mag atubili na mag punta sa KIBOU at Childcare Division center sa Nishio City Hall. At puwede rin sa School of Education sa 4th floor din ng City Hall. Upang malaman ang serbisyo tungkol sa multilingual school enrollment At humingi ng mga kailangang papeles.
Upang mapaunlakan ang mga kalahok sa mas maayos na paraan, ang seminar ay ginanap sa dalawang parte na may magkakaibang oras ng pagsimula para sa ibat ibang wika. Gayunpaman, nag alala na baka magkulang ang upuan, Meron din pamilya na kararating lang ng Japan at nag aasikaso ng pag proseso ng papeles sa City Hall, Meron din na dahil sa kaibigan kaya nakapunta ng city hall. At meron din na tinuruan ng guro sa Nursery at kindergarten ng pagpunta sa city hall at magtanong.
Sa mga hindi naka punta sa sesyon at may interes na malaman ang tungkol dito, may mga video na mapapanood para sa kaalaman ng pagpasok sa paaralang elementarya. Nasa 1 hanggang 3 minuto ang bawat isang video.Ito ay may wikang portugal, wikang vietnamese, wikang hapon, wikang kastila, wikang indonesian, wikang tagalog at mayroon din wikang ingles.