Ang preschool ng Nobyembre ay nag aral tungkol sa mga numero 1, 2 ,3 ,4 ,5 ,6 ,7 ,8 ,9 , 10……
Nakinig sa kuwento tungkol sa isang parkopino (HARINEZUMI) na mahilig sa chestnut, gumawa kami ng chestnut gamit origami, pinutol namin ang papel pa bilog at ginawa ito ng parkopino (HARINEZUMI)⭐
Sa pagtatapos ng taon, ang klase ng FUSHUUGAKU at FUSHUUEN ay gumawa ng ahas ng sodyak. Ito ay kinulayan gamit ng mga pintura. Dinala namin ang makulay na ahas at binati namin ang lahat ng maligayang bagong taon♪
Maligaya at masaganang bagong taon sa inyong lahat☆ミ
Simula sa REIWA 6(2024), Naglalakbay ang KIBOU sa KIRA district ng NISHIO city isang beses sa isang linggo upang magdaos ng mga klase sa OGIWARA class.
Ito ay umuupa ng isang silid sa bagong building na tinatawag na KIRA Civic Exchange Center(KIRA SHIMIN KOURYUU CENTER)
Ang sentrong ito ay nagdaraos ng isang festival bawat taon kung saan ang mga rehistradong organisasyon ay gumagawa ng presentasyon at nagdaraos ng mga eksibisyon.
Ngayong taon, lalahok din ang KIBOU.
Dahil sinusuportahan namin ang mga batang foreigner, hinihiling namin sa kanila na magsulat tungkol sa kung ano ang gusto nila at kung ano ang kanilang pinaghirapan sa Japanese at sa kanilang katutubong wika (ang karaniwang wika sa bahay), at pagkatapos ay gumawa kami ng isang video exhibition ng pagsulat.
May mga bata na marunong bumasa at sumulat sa kanilang sariling wika, ngunit ang mga lumaki sa Japan ay hindi kailanman natutunan ang kanilang sariling wika, kaya siyempre hindi sila marunong bumasa o sumulat. Ngunit sa tulong ng kanilang pamilya, sumisikap sila nang husto at natutunan ang kanilang wika.
Sa araw na ito, mayroong propesyonal na photographer na dumating at kumuha ng picture☆
Ang mga bata ay kinabahan, sila ay nagsalita nang tahimik, mabilis, at nakalimutan kung ano ang sasabihin…ngunit ito ay isang magandang karanasan! Maraming salamat♪
Ang KIRA fes ay mag simula sa, R7 Pebrero 15(Sabado) hanggang Pebrero 16(Linggo)
Nalalapit na ang paghahanda sa pagsusulit sa pagpasok sa high School.
Ang mga kumuha ng pagsusulit sa Aichi Ken Prefectural High School noong nakaraang taon Reiwa 5 (2024).Ay nag rehistro ng kanilang mga kahilingan sa online para sa high school entrance exam.
Ang mga nakatapos ng Grade 9 sa high School (middle school) sa kanilang sariling bansa. Ay tumanggap ng pagsusuri upang maging karapat dapat na kumuha ng pagsusulit.
Dalangin namin na lahat kayo ang maging maayos at makapasa sa pagsusulit.
Noong isang linggo, ay nag organisa kami ng mga estudyanteng kumuha ng pagsusulit noong isang taon.
Maraming bagay ang dapat na bigyang pansin. Tulad ng kung paano gamitin ang oras.Kung paano magsulat sa papel ng pagsusulit.Unahin ang pagsulat ng numero ng pagsusulit.Nagsasanay kung paano pumasok at lumabas sa silid ng pagsusulit.Kung paano umupo sa silya.Kung paano bumati at magalang na pananalita.
Ugaliin na laging magsanay upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at upang magkaroon ng magandang resulta sa pagsusulit. atbp.