


Simula sa REIWA 6(2024), Naglalakbay ang KIBOU sa KIRA district ng NISHIO city isang beses sa isang linggo upang magdaos ng mga klase sa OGIWARA class.
Ito ay umuupa ng isang silid sa bagong building na tinatawag na KIRA Civic Exchange Center(KIRA SHIMIN KOURYUU CENTER)
Ang sentrong ito ay nagdaraos ng isang festival bawat taon kung saan ang mga rehistradong organisasyon ay gumagawa ng presentasyon at nagdaraos ng mga eksibisyon.
Ngayong taon, lalahok din ang KIBOU.
Dahil sinusuportahan namin ang mga batang foreigner, hinihiling namin sa kanila na magsulat tungkol sa kung ano ang gusto nila at kung ano ang kanilang pinaghirapan sa Japanese at sa kanilang katutubong wika (ang karaniwang wika sa bahay), at pagkatapos ay gumawa kami ng isang video exhibition ng pagsulat.
May mga bata na marunong bumasa at sumulat sa kanilang sariling wika, ngunit ang mga lumaki sa Japan ay hindi kailanman natutunan ang kanilang sariling wika, kaya siyempre hindi sila marunong bumasa o sumulat. Ngunit sa tulong ng kanilang pamilya, sumisikap sila nang husto at natutunan ang kanilang wika.
Sa araw na ito, mayroong propesyonal na photographer na dumating at kumuha ng picture☆
Ang mga bata ay kinabahan, sila ay nagsalita nang tahimik, mabilis, at nakalimutan kung ano ang sasabihin…ngunit ito ay isang magandang karanasan! Maraming salamat♪
Ang KIRA fes ay mag simula sa, R7 Pebrero 15(Sabado) hanggang Pebrero 16(Linggo)
Kung interesado ka, bumisita ka!




























































