TANABATA☆

Ngayung taon,buwan na naman ng TANABATA (七夕).

Sa mga paaralan, supermarket, jidou club at iba’t ibang lugar ay may mga nakasabit na (tanzaku). Ito ay papel na sinusulatan ng mga bata ng kanilang wish na sana ay matupad.

Ngayun, anong wish ang isusulat mo?

Hulyo 7, biyernes sana ay maganda ang panahon.

Pag aalaga ng Kamatis

Nag aalaga ng kamatis ang maliit na bata.

May usbong na ang tanim na kamatis.

Nilagyan ito ng pangalan, upang malaman kung anong tanim ito.

Ito ay nasa lugar ng veranda.Sana alagaan ninyo ito ng mabuti.

Lumaki sana ito at magbunga.

EXCURSION SA (HEIKINAN SEASIDE AQUARIUM )…

Pumunta kami sa HEIKINAN SEASIDE AQUARIUM , kasama ang klase ng Fushuen, Fushugaku at may mga edad na klase.

Isang Spring excursion…..

Nagsimula ito sa pagbibigay ng libreng ticket🎫 ng HEIKINAN SEASIDE AQUARIUM ♪ 

At pagbibigay ng subsidiyo o tulong pamasahe para sa pagsakay 🎫 sa tren🚃 at bus🚌. (https://www.city.nishio.aichi.jp/kurashi/kotsu/1001409/1004929.html)

Isang napakatipid na excursion.

Ang mga may edad na klase ay gumawa ng mga ” BOOKMARK ” at isinulat ang mga oras ng train, mga dapat gawing pag ingat. At mga bagay na dapat malaman.

Masaya at masiglang naglalakad at kumakanta ang mga bata ng (OSAKANA TENGGOKU ) at sumakay ng tren.

Ang malalaking bata naman ay nakakita ng iba’t ibang klase ng isda na magaganda at pambihirang makita. At kumuha ng maraming larawan.

Isa itong bago at kapana-panabik at napakasayang SPRING EXCURSION…!!!!!

Klase sa Wikang Hapon 2023 para sa mataas na gulang.

Ngayung taon ay mayroong klase sa wikang hapon para sa inyo.!

【GABAY】

Apat na beses sa loob ng isang taon hinahati ang klase. Maaari kayong mag apply kahit kelan niyo gusto. kung nais huminto ay puwede rin, hindi namn mahal ang bayad. Ang babayaran lang ay para sa Accident Insurance sa halagang 200 yen.

Walang klase para sa ONLINE, ngunit kung nais mag aral sa ONLINE dahil sa may dahilan, maaring tumawag at mag mensahe sa KIBOU.

【ARAW NG KLASE】

1 termino →MAYO~HUNYO、2 termino→AGOSTO~SEPTIYEMBRE、

3 termino→NOBYEMBRE~DISYEMBRE、4→ termino PEBRERO~MARSO

【GABAY NG KLASE】

Araw at Oras:Unang termino MAYO~ 14, 21, 28,  HUNYO ~ 4,11,18

10:00 am~11:00 am

※Sa mga baguhang papasok, mangyaring dumating ng maaga sa oras na 9:40 am para sa pag hahati ng klase at sa level check.

BABAYARAN : 200 yen para Insurance

Dadalhin: Notebook at ballpen

Mag apply:Messenger sa KIBOU 、or mag mensahe sa 070-1295-4734

Nagsimula na ang taong 2023!

Nagsimula na ang bagong taon ng klase.

Umakyat na sa bagong antas na baitang ang mga mag aaral.

At may mga bagong guro din sa KIBOU.

Simula Mayo, sa Nishio Shi, ISSHIKI ay magkakaroon ng Klase ng Wikang HAPON, 2 beses sa loob ng isang linggo para sa mga mag aaral ng elementarya.

Para sa inyong kaalaman, tingnan ang flyer or patalastas ng ” KIBOU sa ISSHIKI ” .

↓↓↓

Pagtatapos ng lupon….

Araw ng huwebes, ika 16 ng Marso.

Naganap ang pagtatapos sa KIBOU.

Ang mga lumahok ay klase ng fushuen, fushugaku, at kanen.

10:00 ng umaga ang simula at nakarating sa tamang oras ang lahat.

Maraming ensayo ang mga batang ginawa tulad ng pagpasok,pagkanta,mensahe at matagal na pag upo.

Sa mga magulang, kapatid, tagapangalaga ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang. Maraming salamat at maligayang pagtatapos.

Simula Abril ay bago na ang inyong papasukan na paaralan. Sana ay maging masaya kayo sa inyong buhay eskuwela!!!!

Kami ay sumusuporta sainyo…….

Kapag may babala ng bagyo ( boufu keihou ). Walang pasok!!!!

Papalapit ang na ang bagyong 14.

Sa lugar ng Nishio at timog Nishi mikawa ( nishi mikawa nambu ).

Babala ng Bagyo(Boufu keihou)

Walang pasok kapag may babala ng bagyo.

Ang mga guro at ONLINE klase ay wala rin pasok dahil ang gusali ng Acty ay sarado.

たいふう14号(9/16)

Bago dumating ang bagyo. Linisin ang beranda at mga bagay na maaring tumalbo dahil sa hangin. Ayusin na huwag bumagsak ang mga halaman at puno. Iayos din ang bisikleta na huwag matumba. At tingnan ang mga nasa larawan para sa kaalaman sa pag iingat. Yan ang mga dapat gawin bago dumating ang bagyo. Para sa kaligtasan ng lahat.

Kasagutan sa inyong katanungan. (Agosto 27,2022. Sesyon ng impormasyon bago pumasok sa paaralan sa ibat ibang wika.

Sa mga lumahok sa sesyon ng impormasyon bago pumasok sa paaralan sa ibat ibang wika at tungkol sa inyong mga katanungan, ito ang mga kasagutan ng lupon ng edukasyon ng lunsod.

Mangyaring sumangguni.

1 .HALAL( Pagkain ng mga muslim na ligtas at maaaring kainin). Ang pananghalian ba sa paaralan ay inaalok?
  Kung wala, paano ang gagawin sa pananghalian ng bata?

→Hindi sumusuporta sa HALAL ang paaralan.
Kung hindi makakakain ang bata ng pananghalian, Maaaring magdala ng baon galing sa bahay.
Kung ang dahilan ay sa relihiyon. Makipag usap kaagad sa paaralan at humingi ng payo.

2.Kung sinabi ng bata na ayaw ng pagkain ng paaralan, Maaari ba na magdala ng baon?
→Pagkakaiba ng kultura ng pagkain at relihiyon ay maaaring mga dahilan.
Makipag usap sa guro ng paaralan, upang maliwanagan ang mga nararapat gawin.

3.Sa paaralan ng Indonesia, may pagbabakuna at ineksyon ng Bitamina.
  Mayroon din ba dito sa paaaralan ng hapon?

→Ang pagbabakuna at ineksyon para sa bitamina ay hindi ginagawa dito sa Hapon. Depende sa bawat pamilya kung nais magpabakuna sa institusyong medikal.

4.Mayroon ba ng interpreter sa pakikipag usap sa guro ng paaralan?
→ Walang nakatalaga na interpreter sa bayan ng Nishio.
Depende sa paaralan at lupon ng edukasyon ng hapon na bumibisita at sumusuporta. Depende rin sa paaaralan,kaya maaaaring magtanong kung may interpreter o wala.

5.Kung sabado at linggo ba ay may klase?
→Sa prinsipyo ng paaralan, ang sabado at linggo ay walang pasok.
Ngunit kung araw ng palakasan at may kaganapan na dapat gawin. Kinakailangan pumunta sa paaralan.
At kapag pumasok na sa Junior High school, may gawaing extra curricular or ( Bu Katsudou) na ginaganap tuwing Sabado at Linggo.

6.Aplikasyon ng pagpasok, kailan dapat gawin?
→Kung may sertipiko ng paninirahan sa Nishio, doon sa malapit na paaralan ng bayan ay maaaring pumasok.
Sa Setyembre hanggang Oktubre bawat paaaralan ay may medical check up . At darating sainyo ang sulat ng pagpasok sa Enero hanggang Pebrero.
Kung pumapasok na sa Nursery o kindergarten sa bayan ng nishio. Ibabahagi sainyo ng nursery o kindergarten ang mga nararapat gawin.
At kung may dumating na abiso at gabay, mangyaring pakibasa ito.
Kung gustong pumasok sa paaralan at hindi dumating ang sulat para sa pagsusuri o medical check up para magpadala ng admission , makipag ugnayan sa paaralang elementarya….

Suporta na ONIGIRI 🍙 sa bakasyon ng tag init.

Dahil sa impeksiyon ng corona, Ang pambangsang kunseho ay nag bigay ng suporta sa mga bata ng pagkain at tulong na salapi galing sa pamahalaan.

Agosto 16 hanggang 31. Ang kalahating araw na dumalong mga bata sa pag aaral ang binigyan ng pagkain!

Ang muslim, hindo ay nabigyan din ng pagkain, maaaring hindi magtatagal hanggang HALAL pero naihanda ang menu na walang baboy at baka para sa kanilang religion.

Ang onigiri ay ay galing sa pamilihan ng SHAO na “YAKIYAKITEI” .

pamilihan ,”RENGATEI”!

SALAMAT SA INYONG TULONG.

Sesyon ng impormasyon sa paaraalan sa ibat ibang Wika…

Agosto 27, 2022 (sabado) 9:30 am hanggang 12:15 pm

Isinagawa ang pagpapaliwanag ng mga dapat gawin at ihanda bago pumasok sa Elementarya ang bata.

Dahil sa pag iwas sa empeksiyon ng Corona, pinaghiwalay ng dalawang parte ang mga linguahe.

Dumating ang lupon ng edukasyon at ang mga guro na sumusuporta sa pangangalaga ng mga bata. At may mga humingi rin ng payo na magulang. Hindi masyadong marami ang dumating. Ngunit nabigyan ng tamang impormasyon ang mga magulang na pwedeng alamin.at malaking tulong ito sa lahat.

At dahil para maiwasan ang impeksiyon, ay gumamit ng transceiver ang lupon ng edukasyon!

Dumating sa itinakdang oras ang grupo ng mga lumahok at ito ay malaking pasasalamat.

At sa mga lumahok na may mga katanungan, mangyaring pakihintay po ang ninyong kasagutan.

Sa ngayun ay aming ginagawa ito.

Sa mga lumahok at napanood ang tungkol sa pagpasok sa Elementarya. Maaari itong mapanood sa YOU TUBE. ( May 9 na Video ito at may ibat ibang linguwahe sa Portugal, Kastila, Chinese, Tagalog, English, Vietnamese at Indonesian.

https://www.youtube.com/channel/UCqafQEz4kW2xKJxWEauafVw/playlists