Maligayang Pagbati!!!! Megumi sa iyong presentasyon sa karanasan mo saiyong buhay!!

Noong Oktubre, isang estudyante ng high school na si MEGUMI ang naging presenter sa NPO award.!!!

Alam niyo. Nanalo sa buong Japan ang Aichi Prefectural Board of Education Award sa presentasyon ng karanasan ng buhay ng isang part timer high school student !!!!

Higit pa rito, sa pambansang kompetisyon napanalunan natin ang Gawad ng Direktor ng Human Resourses ng Ministry of Health and Welfare!!!!

Nakakatuwang makita ang mabilis na paglaki ni Megumi sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob ng payo mula sa ibat ibang tao.

May mga junior student din na gustong sumunod sa yapak ni megumi at naghahangad ng tuktok ng tagumpay!!!

Congratulations sa pagkapanalo!!

Otonano nihonggo…. 3rd term Nobyembre at Disyembre….

10:00 ng umaga tuwing linggo.

Ang otonano no nihonggo na klase ay nagdadatingan para mag aral.

Kahit na abala sa trabaho at mga gawain at kararating lang sa japan ay buo ang loob na mag aral.

Mayroong 4 na klase.

① Katakana・Hiragana ..Pag aaral ng letra.

② Pangunahing kaalaman sa pag aaral ng japanese na salita at pagsulat.

③ Katamtamang kaalaman sa pag aaral ng japanese na salita at pagsulat.

④ Para sa mga bagong pilipinong dayuhan, mga pangunahing aralin at dapat malaman.

Sa mga nais at intresado sa mga bagay na ito, mangyaring makipag alam sa KIBOU.

Pag ani ng Kamoteng Kahoy♬

Naanyayahan kami na mag ani ng kamoteng kahoy.!Masaya…

Sa Brazil, Pilipinas at Indonesia ay madalas na pagkain ang kamoteng kahoy. Ginagamit din sa pag luluto ang dahon nito at niluluto sa gata ng niyog. Sa mga meryenda rin ay masarap ito.

Ang mga kamoteng kahoy na inani ay hinati hati sa lahat at iniuwi ng mga dumalo.

Siguradong masasarapan kayo!

Maraming salamat ♬

Sesyon Nang Impormasyon Ng Paaralan Sa Iba’t Ibang Wika…

Noong huling sabado ng Agosto idinaos ang sesyon ng impormasyon ng paaralan sa ibat ibang wika.

Ngayung taon din ay marami ang dumalo, Maraming salamat sa mga tumulong at nakiisa upang maganap ang sesyon!

Marami ang nag apply na magulang na nagsilang ng anak dito sa japan, sa mga nag papalaki ng anak at naramdam ang kanilang mataas na interes tungkol sa impormasyon. Naniniwala kami na ang mga tamang paliwanag at kaalaman ang pinakamahalagang tungkulin upang maihatid ito para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagkalito ng magulang o tagapag-alaga.

May mga nag apply ngunit hindi nakarating, ito ay dahil sa may trabaho! Huwag mag alala dahil ipapadala sainyo ang mga papeles tungkol sa mga pinag-usapan.

At nakakatuwa ay may Japanese din na sumali sa sesyon (^o^). Natural lang na alam na ng Japanese ang tungkol sa bansa nila, ngunit hindi lahat ng bagay ay alam tulad ng pag pasok sa paaralan sa unang pagkakataon. Tulad ng kung bago ang tirahan , at wala pang kakilala sa paligid. Maraming ganitong pangyayari.

Kung ito ay mababasa ng japanese na magulang na may alalahanin tungkol sa binanggit sa taas na usapan,huwag mag atubili na mag punta sa KIBOU at Childcare Division center sa Nishio City Hall. At puwede rin sa School of Education sa 4th floor din ng City Hall. Upang malaman ang serbisyo tungkol sa multilingual school enrollment At humingi ng mga kailangang papeles.

Upang mapaunlakan ang mga kalahok sa mas maayos na paraan, ang seminar ay ginanap sa dalawang parte na may magkakaibang oras ng pagsimula para sa ibat ibang wika. Gayunpaman, nag alala na baka magkulang ang upuan, Meron din pamilya na kararating lang ng Japan at nag aasikaso ng pag proseso ng papeles sa City Hall, Meron din na dahil sa kaibigan kaya nakapunta ng city hall. At meron din na tinuruan ng guro sa Nursery at kindergarten ng pagpunta sa city hall at magtanong.

Sa mga hindi naka punta sa sesyon at may interes na malaman ang tungkol dito, may mga video na mapapanood para sa kaalaman ng pagpasok sa paaralang elementarya. Nasa 1 hanggang 3 minuto ang bawat isang video.Ito ay may wikang portugal, wikang vietnamese, wikang hapon, wikang kastila, wikang indonesian, wikang tagalog at mayroon din wikang ingles.

Masaya ang Tag-init ☀…..

Mainit ang tag-init ngunit masigla ang mga bata.

Paano mag enjoy sa tag-init.

Naglalaro ng baril barilan na gamit ay tubig ( mizudeppou).

Nakuha ng mga bata ang gusto nilang anime karakter na drawing at binigyan nila ito ng pagpapahalaga.

At nangyaring naglaro na ng basaan ng tubig ang mga bata (; ・`д・´)💦…..

Paano mag enjoy sa tag-init.

Nag kolekta ng mga shell or kabibe (nukegara) ng cicada or ( semi).

May batang nagsabi “Hindi ako takot, kaya marami akong hahanapin!!!!!!!

May bata naman “Nakahanap ng Semi,,, ngunit hindi mahawakan・・・

Nag enjoy kami ngayung tag-init…( ◠‿◠ )

Bakasyon ng Tag-init sa KIBOU 2023.

Sa mga nais na makipag-ugnayan ay tumawag sa📱070-1295-4734 or、mag mensahe sa Facebook/Messenger。

Agusto 26, (sabado) Gagawin ang Sesyon ng pagpapaliwang sa iba’t ibang wika ng Fu Shugaku….

Gaganapin muli ngayung taon ang breifing sesyon ng Fu shugaku sa ibat ibang wika.

Sa mga hindi pa nakaka alam ng Nishio Elementary School, ay maaari rin dumalo.

Mga bayarin sa elementarya、isang taong eskedyul、kagamitan ng bata sa paaralan、mga libro、may mga larawan ang mga ito.

May mga staff ng “JIDO CLUB” at pakikinggan ang inyong mga katanungan.(^_-)-☆

May lugar din ang guro ng edukasyon para sa pag kunsulta、may lugar din kung saan makikita ang mga kagamitan ng mga bata sa paaralan.☆

Bago pumasok ang fu shugaku kailangang ang gabay para mag apply sa ” Preschool”♪

May magandang regalong ibibigay sa mga bata☆彡

 

〈ARAW〉Agusto 26, (Sabado) 2023….

〈Lugar〉Nishio City Hall, Tamokuteki Hall 

〈Parking 〉Meron

〈Oras〉9:30~10:45 Wikang Vietnamese/Wikang Chinese/Wikang Indonesian/Wikang Nepali. Mayroong sabay sabay na tagasalin or interpreter.

    11:00~12:15 Wikang Portugal/Wikang Tagalog/Wikang kastila. Mayroong sabay sabay na tagasalin o interpreter.

〈Paano mag apply〉 May mga katanungan sa ibaba, sagutin at ipadala sa Smart phone ng

KIBOU 070-1295-4734 ,

    ※Sa mga nakapag apply na sa Nursery,at Kindergarten.

1.Pangalan ng bata:

2.Pangalan ng Guardian:

3.Pangalan ng pinapasukang Nursery:

4.Numero ng Cellphone:

5.Pangalan ng papasukan elementarya ng bata:

6.Ano ang wikang kailangan. → Wikang Portugal・Wikang Tagalog・Wikang Vietnamese・Wikang Chinese・Wikang Indonesian・Wikang Ingles ・Wikang Kastila・Wikang Nepali ・Wikang Hapon

Seikatsu Anzen Koowa ( Kapayapaan sa Kaligtasan ng buhay)….

Upang maging masaya at maayos ang bakasyon ng tag- init. Dumating ang kagawaran ng prefectural pulis para ipaliwanag ang kapayapaan ng kaligtasan ng buhay o Seikatsu Anzen Koowa..

Itinuro na huwag maniniwala kaagad lalo na sa hindi kakilala.

At upang maunawaan ang pagpapaliwanag ay gumamit ng madaling wikang hapon.

Naunawaan din ng mga bata ang nilalaman ng usapin, kaya nagpalitan din ng mga tanungan. at sagot sa kanilang iniisip

Ito ay tungkol sa 「DROGA、CHIKAN o( panghihipo o paninilip), TSUMATOI ( Pagsunod sa tao or stoker) at panganib ng SNS…..

Gamitin at alalahanin ang mga napag aralan at protektahan ang inyong sarili.

At ipag bigay alam din ito sainyong mga kaibigan at mahalagang tao o pamilya…..

 

Otanoshimikai…..

Pagkatapos ng Seikatsu Anzen Koowa ( Kapayapaan sa kaligtasan ng buhay).

Ginanap ang “Otanoshimikai ” para sa mga maliit na bata at estudyante ng elementarya.

Naglaro ng Stamp rally, nagturo din ang dalubhasa sa larong menko or card game sa mga bata at naglaro din ng BINGO at iba pa・・・

Maraming laro ang naganap, naghabulan ang mga bata at masaya ang lahat.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong at mga estudyante ng high school na nag pag prepara upang maging maganda ar maayos ang otanoshimikai.

Naging masaya ang mga maliliit na bata dahil sa inyong pakikipaglaro!

Isang napakagandang karanasan at kasiyahan ang naganap!!!!

Paghahanda ng Otanoshimikai sa Isshiki cho!

Magkakaroon ng Otanoshimikai ngayung Hulyo sa Isshiki Kouminkan.At tumutulong ang mga batang nag aaral dito.

Gumagawa sila ng KINGYO (goldfish)

Maaaring sa tingin ay madaling gawin,ngunit ang pagbuo nito upang maging maganda ang korte ay may tamang paraan.

May batang madaling nagawa ang tamang paraan ng paggawa ng Kingyo(goldfish). May nakagawa rin ng maganda.At may bata rin nakagawa ng makulay na Kingyo(goldfish)