Sinubukan kong basahin ang libro ng larawan!

Gumawa ako ng parang larawang libro.

Pag tiningnan ko ito mula pataas.

At tingnan sa mula sa gilid.

Nakakawili o nakakatuwa ang magbasa ng libro(^-^)

Preschool ng disyembre……

Ang paksa noong Disyembre ay mga hugis.

Nakakagulat!!!

Ang dami palang hugis BILOG 〇, TATSULOK △, at PARISUKAT □ dito sa KIBOU .

Magaling na din silang lahat sa pag aaral ng HIRAGANA(^-^)

Masayang nag aaral ang mga bata tuwing sabado at linggo.

Preschool ng Nobyembre

Ang preschool ng Nobyembre ay nag aral tungkol sa mga numero 1, 2 ,3 ,4 ,5 ,6 ,7 ,8 ,9 , 10……

Nakinig sa kuwento tungkol sa isang parkopino (HARINEZUMI) na mahilig sa chestnut, gumawa kami ng chestnut gamit origami, pinutol namin ang papel pa bilog at ginawa ito ng parkopino (HARINEZUMI)⭐

Ang Cute ng parkopino diba?

Preschool ng Enero②

♪Ulo, balikat, tuhod, paa, mata, tainga, bibig, ilong♪

Pinag aralan namin ang mga bahagi ng katawan(^-^)

Ngayong taon ay ang taon ng ahas🐍

Sa pagtatapos ng taon, ang klase ng FUSHUUGAKU at FUSHUUEN ay gumawa ng ahas ng sodyak. Ito ay kinulayan gamit ng mga pintura. Dinala namin ang makulay na ahas at binati namin ang lahat ng maligayang bagong taon♪

Maligaya at masaganang bagong taon sa inyong lahat☆ミ 

Pag video para sa KIRA fes☆

Simula sa REIWA 6(2024), Naglalakbay ang KIBOU sa KIRA district ng NISHIO city isang beses sa isang linggo upang magdaos ng mga klase sa OGIWARA class.

Ito ay umuupa ng isang silid sa bagong building na tinatawag na KIRA Civic Exchange Center(KIRA SHIMIN KOURYUU CENTER)

Ang sentrong ito ay nagdaraos ng isang festival bawat taon kung saan ang mga rehistradong organisasyon ay gumagawa ng presentasyon at nagdaraos ng mga eksibisyon.

Ngayong taon, lalahok din ang KIBOU.

Dahil sinusuportahan namin ang mga batang foreigner, hinihiling namin sa kanila na magsulat tungkol sa kung ano ang gusto nila at kung ano ang kanilang pinaghirapan sa Japanese at sa kanilang katutubong wika (ang karaniwang wika sa bahay), at pagkatapos ay gumawa kami ng isang video exhibition ng pagsulat.

May mga bata na marunong bumasa at sumulat sa kanilang sariling wika, ngunit ang mga lumaki sa Japan ay hindi kailanman natutunan ang kanilang sariling wika, kaya siyempre hindi sila marunong bumasa o sumulat. Ngunit sa tulong ng kanilang pamilya, sumisikap sila nang husto at natutunan ang kanilang wika.

Sa araw na ito, mayroong propesyonal na photographer na dumating at kumuha ng picture☆

Ang mga bata ay kinabahan, sila ay nagsalita nang tahimik, mabilis, at nakalimutan kung ano ang sasabihin…ngunit ito ay isang magandang karanasan! Maraming salamat♪

Kung interesado ka, bumisita ka!

Paghahanda para sa pagsususlit sa pagpasok sa High School!

Nalalapit na ang paghahanda sa pagsusulit sa pagpasok sa high School.

Ang mga kumuha ng pagsusulit sa Aichi Ken Prefectural High School noong nakaraang taon Reiwa 5 (2024).Ay nag rehistro ng kanilang mga kahilingan sa online para sa high school entrance exam.

Ang mga nakatapos ng Grade 9 sa high School (middle school) sa kanilang sariling bansa. Ay tumanggap ng pagsusuri upang maging karapat dapat na kumuha ng pagsusulit.

Dalangin namin na lahat kayo ang maging maayos at makapasa sa pagsusulit.

Noong isang linggo, ay nag organisa kami ng mga estudyanteng kumuha ng pagsusulit noong isang taon.

Maraming bagay ang dapat na bigyang pansin. Tulad ng kung paano gamitin ang oras.Kung paano magsulat sa papel ng pagsusulit.Unahin ang pagsulat ng numero ng pagsusulit.Nagsasanay kung paano pumasok at lumabas sa silid ng pagsusulit.Kung paano umupo sa silya.Kung paano bumati at magalang na pananalita.

Ugaliin na laging magsanay upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at upang magkaroon ng magandang resulta sa pagsusulit. atbp.

Paghahanda ng palamuti sa pasko.

Sa lahat ng nag aaral sa KIBOU,

Sa Disyembre 17 hanggang 22 ay may matatanggap kayong munting regalo ♬

Sana makarating kayo,

May regalo din sa Klase ng Ishiki class at Ogiwara

Maraming salamat sa ginawa ninyong palamuti ng pasko.☆

Oktubre, OYAKO PRESCHOOL!!!!

Nagsimula ang oyako preschool noong Oktubre、

Maraming Oyako ang nagpunta para mag aral.

Abril taon 2025, bago pumapasok sa elementarya.Edad 5 taon bata.Magsikap tayo at masayang mag -aral!!!

Ang paksa sa Oktubre ay “KULAY”!

Pag -ani ng Kamoteng Kahoy

Nobyembre 21, sa lugar ng Nishio, ay pinagbigyan kami na mag mag- ani ng Kamoteng Kahoy!

KInakain ito sa ibat ibang bansa tulad ng fried cassava,ginagawang soup,at mga sweets.

Sa mga batang ngayun pa lang nakaka punta sa taniman, libang silang mag hukay ng lupa,minsan napuputol nila ang kamoteng kahoy,marami silang nagawa at masaya silang lahat.

Naranasan nila ang pag -ani sa panahon ng tag -lagas

Inuwi nilang ang inani at sigurado masarap nila itong makakain.