Nag excursion kami 🍙🎒sa SAKUSHIMA🚢…..

Noong Mayo 20, ang fushu gakko at kanen class ay nag excursion sa Sakushima.

Ang Sakushima ay isang liblib na lugar sa loob ng nishio at malilibot ang buong lugar sa loob ng isang araw.

Ang mga batang nag aaral sa KIBOU ay hindi pa nakakarating sa Sakushima.At may mga bata rin na hindi pa nakakasakay ng bangka. Tamang pagkakataon ito kung kaya ang Sakushima ang napiling puntahan!

Sa mga batang unang sumakay sa bangka, may kaunting pag aalala subalit 20 minutos lang naman ang layo ng biyahe at habang iniisip na ( Ang lawak ng dagat) ay dumating na sa isla.

Ganito ang klase ng iterinaryo ng excursion↓↓

Estasyon ng train sa nishio 8:40 Sumakay sa Bus(¥200)🚌 ➡ Bumaba sa Sakana isshiki hiroba🚌 ➡ Simula sa isshiki maki, sumakay ng bangka (¥830)🚢➡ 20 minutos hangang sakushima at bumaba sa nishimaki. 

Naglakad ng kalahating araw sa buong isla👣👣 

Sakushima Higashi maki sumakay🚢➡ bumaba sa isshiki maki➡ sumakay ng bus sa isshiki sakana hiroba🚌➡ Alas 4 ng hapon dumating sa estasyon ng train sa Nishio 

Naglakad, umarkila ng bisekleta, may mga magandang pinta na maaaring pumasok sa loob, mga tunog ng alon ang maririnig at magandang buhangin na nakaka relax. Mga lugar ng shells na kulay lila na maaaring pulutin. Magandang bato na sa lugar lang na ito makikita habang naglalakad ng dahandahan.

Nakatanggap kami ng aklat ng larawan at meryenda!

Mula ng magsimula ang taon ng 2025, isang buwan na naman ang nakakalipas.

Ngayong taon , maraming bata pa rin ang mga gumagamit at dumarating sa KIBOU. Nakakapag-bigay ng sigla at kasiyahan♬

Sa mga batang nagpupunta sa KIBOU, masaya dahil nabigyan tayo ng donasyon bago mag Golden Week!

Tinapay, vegetable juice at aklat ng larawan!

Sa mga batang hindi mahilig na uminom ng vegetable juice, maaaring gawing itong sabaw, ihalo sa pagkain tulad ng spaghetti sauce.Masarap ito.

Subukan niyo.

Ang bagong gawang aklat ng larawan ay ibinigay ng isang sikat na manunulat.

Isang libro ang bawat isa, kaya pumili ng gusto at masayang basahin ito.☆

《Mahalagang Pangako》

Ang pagkain, inumin at aklat ng larawan ay ibinigay bilang donasyon, hindi ito puwedeng ipagbili sa kaibigan at ibenta sa internet, ito ay ay paglabag sa moral. Maaaring alam ninyo na bawal ito, ngunit ipinaaalam lang sa lahat☆

Klase sa Isshiki (Para sa mga Elementarya at High School)

Nagsimula na ang kanya kanyang klase ngayung taon 2025.

Mga batang pumasok unang baitang sa elementarya. Ang boses nila ay masarap pakinggan.

Ang klase ng isshiki ay nasa tabi lang ng silid aklatan.Nanghihiram kami dito ng aklat.

Ang paghahanap at pagpipili ng aklat at nakakatuwa.

May nagsasabi na kapag nakahanap ka ng isang gusto mong libro ay tulad din ng pagkakaroon mo ng isang bagong kaibigan. Sana ay makatagpo rin kayo ng ganyan aklat.

Klase para sa may mga edad(Junior High School Graduate hanggang 18 years old)

Para sa mga gustong mag-aral sa high school at vocational school.Nagsimula na rin ang klase para sa mga may edad. ※ Pagpaumanhin! walang klase para sa unibersidad!

Maaari kang mag-aplay at lumahok anumang oras. Kung ikaw ay karapat -dapat, mangyaring pumunta at bumisita.

Minsan,sinasabi ng nag aaplay na「Kararating ko lang sa Japan kaya hindi ako marunong mag hapon at nahihiya ako!」Ito ang klase para sainyo.Huwag kayong mahihiya, pumunta kayo at huwag mag atubili.

May mga bata na lumaki na ang naririnig ay「kailangan lang matutong magsalita ng hapon 」para makapagtrabaho sa kumpanya.Ngunit ito ay henerasyon ng mga magulang. Kung ang isang hustong gulang ay nakatapos ng high school o unibersidad sa sariling bansa, maaaring maayos ito.Gayunpaman, ang mga batang lumaki sa Japan ay wala sa parehong kapaligiran tulad ng henerasyon nang magulang.Mas mabuting makatanggap sila ng tamang edukasyon, matutong mag-isip, magdesisyon at tumupad sa pangako. Magkaroon ng kakayahang mamuhay, hanggang sa sila ay dumating sa edad na humigit kumulang na 18 taong gulang.

Ngayung taon, nagsisimula na ang pag-aaral ng mga batang nagmula sa Peru,Indonesia,Vietnam at Pilipinas.

Mag-aral ng mabuti at hubugin ang sarili para sa magandang kinabukasan!

🌸Maligayang Bati 🌸

Mga batang sumali sa preschool,

Ngayun, ay nasa unang baitang na sila.⭐

Maligayang bati sa inyong lahat! 

Sa elementarya. matututo kayo ng maraming bagay at magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Sana ay maging masaya ang pag pasok ninyo sa paaralan.🌠

Oyako Preschool ng Pebrero ②

Pangalawang beses ng Pebrero, sinusundan ang mga salitang gingamit ang YA / や、YU / ゆ、YO / よ

Ang lahat ay nakatingin sa guro sa mga halimbawang ipinapakita. At mahusay na isinulat!

Klase ng high school, sa Tag-lamig…

Tag-lamig na klase ng High school..

Nag aaral ng pagsusulit ang mga high school sa ikatlong baitang.

Ang mga unang baitang at pangalawang baitang naman ay nag aaral ng mga paksa, takdang aralin at napakadali lang nilang nagawa.

Sumali kami sa KIRA FESTIVAL♪

Buwan ng Marso ng Oyako Preschool ①

Seremonya sa pagtatapos ng 2024 TABUNKA ROOM KIBOU!

Nagkaroon kami ng isang seremonya sa pagtatapos noong Reiwa 7, (Huwebes) 13 ng marso

Ang KANEN class, FUSHUUGAKU class at mga magulang ay dumalo na magandang kasuotan.

Halos lahat ay sa unang karanasan ng pagtatapos dito sa japan.

Bawat isa ay binigyan ng mensahe ng pagtatapos,nakakamangha ang lahat.Kinakabahan sila sa pagbabasa ng kanilang komposisyon.Umawit sila ng 「MIRAIE」isang napaka madamdaming awitin ito.

Sa huli, binalikan ang mga larawan ng buong isang taon, napakarami nito.

Marami ba kayong magandang alaala sa pag-aaral ninyo sa KIBOU?

Sa lahat, pagbutihin ninyo ang pagsusulit at ang paghanda sa pagpasok!

Kami ay rooting sainyo.

♪Lumakad at dahan dahang harapin ang kinabukasan♪