Buwan ng Oktubre sa Preschool….

Ang tema sa buwan ng Oktubre ay 「KULAY」!

Tatay,Nanay,Kuya,Ate,nakababatang Ate at Kuya, halika at mag-aral tayoです♬

Pakiramdam sa Halloween🎃♬Klase ng Isshiki

Ang “Isshiki Class” ay ginaganap dalawang beses sa isang linggo sa Isshiki Community Center, kung saan maaaring magpahinga sa pag-aaral.

Gumawa ng cute na basket para ipagdiwang ang Halloween.

At ang ginawang candy ay inilagay sa basket.Mag lagay din kayo sainyong bahay.

Feild trip sa taglagas….

Noong Oktubre 1, ang mga nag-aaral sa KIBOU na kanen class ay nagkaroon ng field trip.

Nag punta kami sa (AIBASHIO NO SATO) at Aichi KODOMO NO KUNI.

Isang museo ang itinayo sa Nishio City noon, kung saan dati ay may sikat na salt field, at ngayon ay puwedeng mararanasan at matutunan din ang tungkol sa paggawa ng asin. Naranasan ng mga mag-aaral ang bahagi ng paggawa ng asin at iniuwi ito sa kanila, at tila nasisiyahan sila.

Maraming estudyante ang kararating lang sa japan.Isang espesyal na karanasan ang feild trip ng magkakaparehong edad.Pinag-aralan ng maaaga ang pag gawa ng asin.Hinati-hati ng mga estudyante ang pag gawa ng feild trip guidebook.At pinanabikan nila ang pag dating ng araw na ito.

Sa kasamaang palad ang panahon nagsimula sa ulan.At gumanda naman ang panahon sa tanghali.Nasiyahan ang lahat sa Barbeque at masayang nakipag ugnayan sa isa’t isa.

Naisagawa namin ang proyektong ito sa pagtutulungan ng bawat isa.Maraming salamat sainyong lahat.!

Paghahanda para sa Field trip.

Medyo presko na ang panahon. At sapat na ang init para maglakad sa labas.

Ang mg estudyante sa klase ng weekdays at pang umaga ay maghahanda para sa field trip ng tag-lagas.

Kailan, saan, ano ang mga dadalhin?

Paano pupunta?

Magkano ang babayaran?

Ano ang itatanong kapag bumisita?

Ang ilan sa mga estudyante ay kararating lamang sa Japan at walang karanasan sa pag-aaral sa Japanese school, kaya anong klaseng karanasan kaya ang field trip sa Japan para sa kanila?

Papalapit na yapak ng tag-lagas。。。

Ang pintuan ng KIBOU ay nagmistulang taniman ng kabute🍄🍄‍🟫

Kung titingnan,parang may masarap na kabute. At meron din na kung titingnan ay parang may lason.

Sa mga batang pumapasok sa KIBOU, gumawa pa kayo ng mas maraming kabute at gawin ninyong magandang kulay ang panahon ng tag lagas.🍁🍁🍁

Ang Paggawa ng OHAGI

Tapos na ang bakasyon ng tag-init sa KIBOU,simula na nang pagpasok at pag aaral.

Patuloy pa rin ang mainit na panahon, at para maging memorable ang bakasyon ng mga bata.Gumawa kami ng OHAGI.

Klase ng mga estudyante na kararating lang sa japan. ang malagkit na bigas ay malambot at dumidikit sa kamay. Unang beses nilang natikman ang lasa ng ANKO or (red beans) na minatamis, KINAKO or (pulbos ng soya) hindi ito matamis. Pagkain na gawa sa bigas.

Pagkatapos na pag aralan kung anong pagkain ang madaling gawin at kainin agad. OHAGI ang napagkaisahang gagawin.

Makikitang masarap na kinain ng mga bata ang kanya kanyang binilog na OHAGI. May bata rin na nilagay sa daliri ang KINAKO dinilaan at kinain..Matamis at mabago ito kaya nasarapan sila~, nauunawaan namin ito.

Kararating lang nila sa japan kaya medyo malungkot,nag iisip na baka walang maging kaibigan.Kadalasan itong suliranin ng mga kabataan.Sa paraan ng aktibidad na ito magkakaroon kayo ng mababait na kaibigan.

Ang malagkit na bigas at ang makina na ginamit sa pagagawa ay galing sa FOODBANK NISHIO!!!!

Maraming Salamat☆

Anong uri ng klase ang wikang hapon para sa mga may edad 🧐

Sa magtatanong「Ano ang klase para sa mga may edad 」

Ito ay klase nang pag-aaral sa wikang hapon.

May gusto mag-aral ng wikang hapon ngunit maraming iniisip kung ano ang dapat gawin at pag-aralan.Sa dahilang yan kaya sinimulan ang klase na ito.May mga estraktura ang level sa 3 grupo.「hindi nakakabasa at hindi nakakapagsalita,「Nakakapagsalita ngunit hindi nakakabasa」、「Nakakabasa ng kaunti, at nais matuto ng Kanji.May iba’t ibang dahilan. Sa mga nag iisip ng ganitong bagay, halina at sumali kayo~

↓↓ ito ang larawan kung paano ang pagtuturo at pag aaral. Nagsimula na ngayung taon 2025 ang unang termino ☺️↓↓

Agusto 10,2025 nagsimula ang Otonano Nihonggo at susunod ang ika 2 termino.

500 yen ang bayad sa 6 na sesyon nang pag aaral.

Sa inyong lahat, halina sumali kayo ~

Araw na may klase ang OTONANO NIHONGGO :

Agusto 10,17,24,31 linggo(10:00 am~11:00 am)

Septyembre 14,21 linggo(10:00 am~11:00 am)

Hihintayin namin ang inyong pagsali(^v^)

Pagpapaliwanag sa iba’t ibang wika tungkol sa pagpasok ! Gaganapin sa Agusto 30 (sabado)

Gagawin din ngayong taon ! ang pagpapaliwang sa iba’t ibang wika tungkol sa pagpasok.☆

Sa mga pamilya at mga batang naka enrol sa Abril 2026 na papasok sa grade 1, mangyaring dumalo kayong lahat.

Wikang salin: Wikang Hapon,Wikang Portugal,Wikang Vietnamese,Wikang Espanyol Wikang Indonesian, Wikang Filipino, Wikang Tsino, Wikang Nepal at Wikang Ingles.

Wikang hapon ang pagpapaliwanag, ngunit may kasabay na tagasalin. At para mas maunawaan,mayroon ding maiksing video. Panoorin ito kasama ang inyong anak.

Ang mga binigay na papel ay tungkol sa matrikula sa elementarya,isang taong skedyul, mga kagamitan sa paaralan, pangalan ng paksa at mga larawan na may paliwanag. atbp.

Darating din ang mga staff ng pasilidad ng pangangalaga, ang JIDO CLUB !!!! Mangyaring makikinig sa paliwanag (^_-)-☆

May korner nang pasilidad ng pangangalaga at nandoon ang guro para sa mga nais ng payo.May korner din para makita ang mga kagamitan sa paaralan☆

Bago pumasok,mayroong programa ng pag-aaral ng wikang hapon “PRESCHOOL”mayroong gabay kung paano mag apply♪

May munting regalong nakahanda sa mga bata galing sa donasyon ng Food Bank Nishio☆彡

Sa mga hapon na hindi masyadong alam ang tungkol sa elementarya ng Nishio shi, Huwag mag atubiling pumunta! May nakahanda ring mga papel sa wikang hapon.

    ※Sa mga nakapag apply na sa Nursery at Kindergarten, tapos na ang reception ninyo.kaya hindi na kailangang mag apply ulit.

Lektura sa kaligtasan ng pamumuhay 2025

Noong hulyo 26 ng umaga, inimbitahan ang pulis ng Nishio para sa lektura sa kaligtasan ng pamumuhay.

Ngayun taon, ang mga estudyante ay nagsalita , Talk style, batay sa tema ng pag-uusapan.

Sa bakasyon ng tag-init upang makaiwas ang mga bata sa panganib tungkol sa SNS,DROGA,ILEGAL NA TRABAHO. Nagbigay ng halimbawa tungkol dito. Ang mga dumating na mga estudyante ay nakinig at nagsalita nang kanilang opinyon tungkol sa paksa.

Sana ay masabi niyo「Masayang tag-init na bakasyon」panatilihing ligtas at maayos ang kalusugan!

Masayang Pagtitipon 2025…

Ngayung taon ay ginanap na naman ang masayang pagtitipon sa bakasyon ng tag-init!

Tumulong ang mga junior at senior high school sa mga staff at masayang nakisalamuha sa mga bata.

Ang mga stall ngayung taon ay ganito↓↓ 

paggawa ng slime☆

pag target🥎

pompon curling♬

paggawa ng matamis・paggawa ng laruan🦕

kunekune imomushi🐛

bunbungoma ●■

punyudama sukui 🐥

mukashi asobi korner🌙

Stamp rally🍧

Maraming bata ang dumating at naging abala sa mga gawin, ngunit masaya ang lahat!

Sa lahat ng junior at senior high school na tumulong,maraming salamat ☆

Sa lahat ng dumalo sa masayang pagtitipon,Maraming salamat.