Pagpapakilala sa klase ng Fushugaku at Fushuen

Taon taon sa KIBOU, ay mayroong aktibidad upang alamin ang tirahan ng mga batang elementarya.high school.kindergarten at nursery (nenchu 5 taong gulang) na (hindi pumapasok sa kindergarten at paaralan)

  ※5 taong gulang Nenchou: Ipinanganak 2020 Abril 2~2021 Abri 1

  ※Edad sa Elementarya at hayskul: Ipinanganak 2012 Abril 2~2020 Abril 1

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Dibisyon ng Edukasyon ng Paaralang Lungsod ng Nishio.

Maraming ipinag-aalala ang lahat tulad ng (kararating lang sa Japan,mula bata pa ay lumaki lang sa bahay.Pabalik balik sa bansang sinilangan at japan,Madalas lumipat-lipat ng tirahan dahilan upang mahirapan sa pag aayos ng mga papeles sa pagpasok.Hindi nakakaintindi ng wikang hapon,kaya sa internet nag-aaral at papasok kapag marunong na.Ito ang mga dahilan kung bakit hindi pumapasok ang bata.

Sa mga pamilya na may ganitong pangyayari,may klase para sa mga hindi pumapasok sa paaralan at kindergarten,halina kayo sa KIBOU.

《Kabutihan ng klase ng Fushuen》

🌸Pag-iihersisyo sa labas,matutong gumising ng maaga.

🌸Makakakain ng pagkain na hindi nakakain sa bahay,matutong uminom ng Mugi tsa.

🌸Magsalita ng wikang hapon na may kasamang mag-aral.

🌸Masayang laro ,kumanta,gym,matutong humiram at magpa hiram ng bagay ,iligpit ang mga gamit ng maayos at isa isang maaalala ang mga salitang laging gingamit.

🌸Sa pagkuha ng impormasyon sa pagpasok sa kindergarten,may susuporta sa inyo na mga dapat gawin.

🌸Ang programang ito ay sa pamamalakad ng Lungsod ng Nishio, ang Seguro sa aksidente ay nagkakahalaga ng 200 yen isang tao sa loob ng isang taon.At 100 yen sa meryenda isang beses lang.

🌸Maaaring mag-apply anumang oras.

《Kabutihan ng klase ng Fushugaku》

♬Maaaring pumunta ang bata kahit walang Alien Card.

(Dalhin ang Alien card ng magulang at pasaporte ng bata)

♬Ito ay aktibidad sa umaga upang matuto at maging maayos ang buhay.

♬Magkakaroon ng kaibigan na makakasama sa pag-aaral.

♬Kahit hindi marunong ng wikang hapon,Magkakapag-aaral mula sa simula at magkakaroon ng tiwala sa sarili.

♬ Sa pagkuha ng impormasyon sa pagpapatala sa pagpasok sa paaralan.may susuporta sa inyo sa mga dapat gawin.

♬Kung may ipinag-aalala tungkol sa kalusugan,ikokonekta kayo sa espesyalista.

 (Ang programang ito ay sa pamamalakad ng Lungsod ng Nishio, ang Seguro sa aksidente ay nagkakahalaga ng 200yen isang tao sa loob ng isang taon.Hindi kailangan ang uniporme at sapatos.)

Ang KIBOU ay hindi paaralan,hindi nagbibigay ng diploma. Kung may kumpiyansa na o lakas na ng loob sa paninirahan sa Japan ay pumasok na sa paaralan.

♬Anumang oras ay maaaring mag-apply para sa klase.

Kung may nais malaman at gustong bumisita,Tumatanggap kami ng aplikasyon anumang oras.Huwag mag atubiling makipag ugnayan.

コメントは受け付けていません。