【Pasasalamat♡】Osho san Obento para sa mga bata ..

Ngayun taglamig muling nagbigay ang Osho san ng obento para sa mga bata.

Mainit at masarap na Osho gyoza at karaage.Kumain ang mga kabataang nag aaral ng wikang hapon.Maraming salamat sa pagsuporta sa mga bata at kabataan sa pamamagitan ng pagkain.

Nagbigay ng lakas ang masarap na pagkain, ngayung araw pagbubutihin ko👍

Paglikha ng coaster★

Sa nalalapit na festival, masinsinan ang bawat klase na gumawa ng coaster na gagamitin.

Tinitiyak na ang pagtawid ng sinulid ay tama ang pagka sunod-sunod upang hindi magkamali ang pagkatirintas.Kapag hindi tumutok sa ginagawa ay maaaring magkamli.Upang makagawa ng magandang hugis,kinakailangan ang stratehiya para sa magandang epekto ng ginawa.

Sana ay makapaglabas tayo ng magagandang coaster……

Paghamon sa pagtalon ng lubid……..

Ang mga hindi pumapasok sa paaralan ay isinagawa ito sa loob ng kalahating araw sa umaga.

Sa panahon ng tag lamig,ang paglaro sa labas na wala pang kaibigan ay nagiging dahilan ng kakulangan sa ehersisyo at tamaan ng araw.

Kahit na malamig, Kayanin mong lumabas dahil ang kaunting pag ehersisyo ay nakakapag painit ng katawan at nakakapag pasigla.

Kamakailan lang,sinubukan nila ang paghamon sa pagtalon ng lubid,ngunit kapag hindi buong lakas ang ginawa, hindi ka makakatalon,

Kaunti na lang at makakatalon na kayo,! Pagbutihin niyo~!

Salamat sa TINAPAY♪

Galing sa Foodbank nagbibigay ng tinapay!

Kahit alin ang kainin ay walang kabusugan ang mararamdaman dahil nasa panahon ng paglaki ang mga bat.

At kapag nabusog, na ay tuloy nmn sa pag aaral.

Maraming salamat sa pagkain…

Naghanda ang KIBOU cafe noong ACCTY festival (OMATSURI)…..

Sa unang pagkakataon nag handa ang kibou ng CAFE korner.

Ang kanen class.nozomi class at elementary class ay gumawa ng mga bag at iba pa.

May mainit na maiinom sa KIBOU, mayroon din ng himo kuji na may snack.At mga larawan ng mga batang nag aaral sa KIBOU.

Napakaraming dumating.At naging masaya ang buong lugar.

Kinakausap ng mga hapon ang mga bata kahit hindi kilala na nagiging aral din sa kanila.

Maraming salamat sainyo!

Bumisita kami sa Part time high School…

「KANEN class」ng KIBOU ay mga batang galing sa ibang bansa na nagtapos ng pag aaral.Ganon din ang mga nagtapos ng high school sa japan na dahil sa situasyon ng pamilya ay hindi nakapasok sa tamang panahon sa senior high school. Dito sila nag aaral.

Ang part time high school ang pinaka madaling paraan upang makapag aral at makakuha ng diploma sa high school na malapit sa kanilang tirahan.

Ang mga estudyante na naninirahan sa nishio na gamit ang bisikleta sa loob ng 30 minuto papunta sa paaralan ay awtomatikong maipapasok sa pang gabing klase.

Ang buhay eskuwela dito sa japan ay magkaroon ng bagong kaklase at kaibigan,mga aktibidad ng club at masaya silang lahat sa paaralan.

Kaya lang ,dahil sa ang kanilang pinag aralan sa wikang hapon ay mababaw o madali lang at kulang sa karanasan dumadaan sila ng hirap sa pag aaral.

Kahit na makatapos sa mataas na antas ng pag-aaral,kakailanganin pa rin ang magsumikap at magsipag sa pag-aaral kaysa iba.Kahit alam niyo na kaya niyo,kailangan niyong tanggapin ang hamon.

Napakalaking pasanin ito sa mga guro at pamilyang sumusuporta sa kanila.

Hangad namin na makapasa kayong lahat sa inyong pagsusulit.

Paghukay ng Kamoteng kahoy🚙🍠🍠🚙

Kalagitnaan ng Nobyembre ay naghukay kami ng kamoteng kahoy.

Kasama ang mga nag aaral ng weekdays.

Ngayong taon ng tag init ay napaka init ng panahon at ganon din ang malakas na pag -ulan. Kaya maganda ang ani dahil malalaki ito kesa dati.

Sa lugar ng Pilipinas.Indonesia,Brazil na mainit ang panahon ay madalas na kinakain ang kamoteng kahoy

Kaya,ang mga batang galing sa bansang ito ay tuwang tuwa.

Ang napakaraming nahukay na kamoteng kahoy ay dinala sa KIBOU.

「Ang saya ng maghukay ng Kamoteng Kahoy」

Sigurado sa bahay nila,masasarapan silang kumain nito.

「BILANG」Ang pinag-aralan ngayong Nobyembre sa Preschool……

Buwan ng Nobyembre ay nag aral ang mga bata ng ( HUGIS ).

Habang nakikinig sa kuwento at nag aral magbilang, mas gumagaling sa pag unawa ang mga bata !

Tulad ng kuwento ni HARI SAN na ginawa nila. Magkuwento rin kayo sa bahay niyo,,,,,

Buwan ng Oktubre sa Preschool….

Ang tema sa buwan ng Oktubre ay 「KULAY」!

Tatay,Nanay,Kuya,Ate,nakababatang Ate at Kuya, halika at mag-aral tayoです♬

Pakiramdam sa Halloween🎃♬Klase ng Isshiki

Ang “Isshiki Class” ay ginaganap dalawang beses sa isang linggo sa Isshiki Community Center, kung saan maaaring magpahinga sa pag-aaral.

Gumawa ng cute na basket para ipagdiwang ang Halloween.

At ang ginawang candy ay inilagay sa basket.Mag lagay din kayo sainyong bahay.