


Agusto 27, 2026 bumisita kami sa IKEA sakay ng tour bus kasama ang Nishio city connection center support station.
Ang mga sumali ay mga batang edad ng junior at senior high school na may koneksyon sa Karafuru at Kibou. Mayroong mga bagong dating sa japan na mag-aaral. At mayroon din na matagal ng namumuhay sa japan!
May pagkakapareho sila layunin habang nag-aaral ng wikang hapon, napag-iisipan nila ang plano tungkol sa gustong pangarap at darating na kinabukasan.
Magmula Nishio, ang daan papuntang Nagakute city IKEA ay tumagal ng isang oras na biyahe.
Umaga, tamang tama sa oras na dumating ang lahat. Ito ang kuhang larawan!
Anong lugar ang IKEA?
Anong klase ng tao ang mga nagtatrabaho dito?
May mga banyagang staff din ba?
Paano ipinagbibili ang mga kagamitang pambahay?
May kainan din daw!Ano ang makakain dito?
May kanya kanyang imahinasyon habang patungo sa IKEA.





Sa Nagakute IKEA, sinalubong kami ng mga staff. Hinati sa grupo ang mga mag-aaral ng pagbisita sa backyard at mga sumali sa workshop.
Tulad ng mga kalahok na estudyante, tila lubos na na-inspire ang mga bisita na mapagmasdan ang isang lugar kung saan nagtatrabaho ang iba’t ibang kawani mula sa buong mundo. Tila nagawa rin nilang seryosong pag-isipan ang pagtatrabaho at ang kanilang pangarap sa hinaharap.
Marming Salamat sainyong tulong!!!




