Simula Hulyo hanggang Agust taon 2022!! Walang pasok sa KIBOU!!!!

Malapit na naman ang bakasyon.

Pagkatapos ng tatlong taon, naganap ang pagdiriwang ng masayang Festival at Fireworks!!!

At mayroon din konting bakasyon ng tag-araw sa KIBOU.

Mangyaring tingnan ang iskedyul.

Tapos na ang unang yugto ng “Wikang hapon ng hustong gulang”♬

Hinati sa 4 na yugto sa loob ng isang taon ang pag aaral ng ” wikang hapon ng hustong gulang” at ito ay pinatupad bilang emerhensya na suporta para sa corona.

Unang yugto: Mayo~Hunyo, Pangalawang Yugto: Agusto~Septyembre, Pangatlong yugto: Nobyembre ~Disyembre , Pang apat na yugto: Pebrero~Marso 

Alas 10:00 hanggang 11:00 ng umaga tuwing linggo.

Ang bayad ay 200 yen para sa seguridad ng aksidente.

Hunyo 26 , tapos na ang unang yugto ! at wala ng pasok sa Hulyo.

Pangalawang yugto: Agusto 7, alas 10:00 hanggang 11:00 ng umaga. May level check sa wikang hapon sa mga bagong papasok .  

Anim na katao lamang sa isang klase. Ang araw ng klase ay sa Agusto 21, 28. Septyembre 4, 11,18, 25 .

Halimbawa「Matagal ng nakatira sa japan , pero hindi pa nakakapag aral ng wikang hapon」

「Hindi palaging ginagamit ang wikang hapon kaya gustong matuto」

「Gusto kong gumamit ng magalang na salita pero hindi ko alam paano.」

「Gusto kong basahin ang balita mula sa nursery school ng aking anak」

Kaya maraming magulang ang nagsisimulang mag aral dahil sa kadahilanang ito.

Mag sama-sama tayong mag aral ng walang presyon sa sarili♬

Naghahanap kami ng boluntaryo ♫para sa pagbabasa sa Klase.

Tuwing sabado ng hapon. Ang mga bata mula sa ibat ibang bansa ay dumadalo sa klase ng pagbabasa.

Sila ay mga elementarya, at may kakayahan ng bumasang mag isa.

Ang iba sa kanila ay sanay na at magaling ng mag salita ng hapon.

Sa mga oras na ito, Intsik, Brasil, Vietnamese, Indonesian ang mga bata,

Inaalam ng mga kawani o staff ang edad at interes ng mga bata. Nag hahanap at humihiram sila ng libro para sa kanila..

Magbasa ng libro, makipag usap, tala sa pagbabasa. Gumuhit ng kahanga hangang larawan, at mag isip ng mga bagay na maaring gawin.

Maaari ka bang mag boluntaryo at sumoporta para sa Pag babasa ng mga bata?

Ano mang bansa ay malugod tinatanggap!

Kahit anong edad ay malugod na tinatanggap!

※Ang mga sasali sa boluntaryo ay may mga minimal na pangako, at ito ay kailangan tuparin.

【PAUNAWA】Ang ONLINE Class ay hanggang Marso 6.

Ang ONLINE CLASS ay pinahaba upang maiwasang mahawa at huwag kumalat ang CORONA VIRUS !

~ 2022年 3月 6日(日)

Kung mayroon kayong sadya sa KIBOU, maaari kayong tumawag, mag padala ng SMS at sa messenger.

Hanggat maaari at sasagutin namin kayo ng agad.

Kahit na tayo o ikaw man ay mabuti ang pakiramdam, dahil sa CORONA VIRUS ang Paaralan at Kumpanya ay nagsabi na magpahinga sa bahay. Hindi rin kayo puwedeng pumasok sa KIBOU at

dapat din kayong nasa bahay.

Buong pag iingat para sa kaligtasan ng lahat..

Pagsasanay Sa Paglikas (SUNOG)

Pebrero 15, nagkaroon ng pagsasanay tungkol sa paglikas.

Pagsasanay kapag nagka (SUNOG)!

Ang usok ng sunog ay mapanganib!!!!

Gumamit kami ng pamuksa ng apoy o ( FIRE EXTINGUISER) para sa pagsasanay.

Lumahok din sa pagsasanay ang mga bata at napakahusay nila.

Napag alaman din na may pamuksa ng apoy o (FIRE EXTINGUISER) din sa bawat bahay.

Hanggat maaari ay iwasan ang magka sunog, subalit kung dumating ang ganitong situasyon,

Gumamit ng pamuksa ng apoy o (FIRE EXTINGUISER) !!!!

Para sa kaligtasan ng Lahat…..

【Paunawa】Simula Pebrero 1 hanggang 28, lahat ng klase ay ONLINE!

Upang hindi mahawa at hindi lumawak ang CORONA VIRUS ,,lahat ng klase ay magiging ONLINE!

2022年 2月 1日(火)~ 2022年 2月 28日(月)

Kung mayroong sadya sa KIBOU,hindi kailangan magpunta. Ang dapat gawin ay tumawag, mag mensahe sa SMS at messenger. Sasagutin namin ang inyong tawag at mensahe!

Kahit na ikaw, tayo ay walang sakit pero sa dahilang ang paaralan at pinapasukang kumpanya ay walang pasok at sinabing magpahinga sa bahay. Hindi rin makakapasok sa KIBOU!!!

Kaya mangyaring manatili at magpahinga sa bahay.

Ipapalabas ito sa Enero 18 sa NHK!

Ipapakita sa balita ng NHK tungkol sa mga magulang at bata na nakilahok sa Klase ng Wikang Hapon sa Tabunka Kibou Preschool bago pumasok ng elementarya ang bata. At ipapalabas ito sa NHK , Ohayo Tokai, Martes ,7:45 hanggang 8:00 ng umaga.

2022年1月18日(火)NHK『おはよう東海( TOKAI)』 あさ7:45 – 8:00

☆Maraming kuha at na interbyu, Ngunit hindi ito lahat maipapalabas.

☆At kung may biglaang may Balita, Maaring hindi ito maipalabas sa araw na ito.

Malamig pero huwag tayong magpahinga sa Pag aaral!

Ngayun ay ( TOUJI ).

Pinaka maikling araw sa loob ng isang taon.

Ang (TOUJI ) ay malamig na panahon at madaling dumilim.

Ang mga junior High School ay magsisimula mag aral pagkatapos ng dilim.

Sa mga hindi nagpapahinga sa pag aaral, may pamaskong regalo kayo sa pag uwi.

Sa Enero tayo ulit magkikita!!!!

Hoikuen (Nursery ) Christmas party.

Nagpunta ako sa Nursery christmas party.

Tumogtog kami ng HANDBELL sa harap ng mga bata.

[ TWINKLE TWINKLE LITTLE STAR ] ang aming tinogtog.

Ang mga dekorasyon sa aming damit ay sariling gawa namin.

Matagal din kaming nag praktis buong Disyembre kaya magaling at masaya naming naipakita .

Disyembre 18- 24 .OTANOSHIMINI ( Kasayahan )

Malapit na ang bakasyon ng tag lamig ( Fuyu Yasumi ) ng Preschool, Kindergarten, Elementary at High School.

Mula Disyembre 18 hanggang 24 ay may inihandang regalo para sa mga bata ang KIBOU.

OTANOSHIMINI☆ 

※Ang regalong ito ay nagmula sa kompanya ng STAR BOWlL ng NISHIO FOOD BANK.