Ang Paggawa ng OHAGI

Tapos na ang bakasyon ng tag-init sa KIBOU,simula na nang pagpasok at pag aaral.

Patuloy pa rin ang mainit na panahon, at para maging memorable ang bakasyon ng mga bata.Gumawa kami ng OHAGI.

Klase ng mga estudyante na kararating lang sa japan. ang malagkit na bigas ay malambot at dumidikit sa kamay. Unang beses nilang natikman ang lasa ng ANKO or (red beans) na minatamis, KINAKO or (pulbos ng soya) hindi ito matamis. Pagkain na gawa sa bigas.

Pagkatapos na pag aralan kung anong pagkain ang madaling gawin at kainin agad. OHAGI ang napagkaisahang gagawin.

Makikitang masarap na kinain ng mga bata ang kanya kanyang binilog na OHAGI. May bata rin na nilagay sa daliri ang KINAKO dinilaan at kinain..Matamis at mabago ito kaya nasarapan sila~, nauunawaan namin ito.

Kararating lang nila sa japan kaya medyo malungkot,nag iisip na baka walang maging kaibigan.Kadalasan itong suliranin ng mga kabataan.Sa paraan ng aktibidad na ito magkakaroon kayo ng mababait na kaibigan.

Ang malagkit na bigas at ang makina na ginamit sa pagagawa ay galing sa FOODBANK NISHIO!!!!

Maraming Salamat☆

Anong uri ng klase ang wikang hapon para sa mga may edad 🧐

Sa magtatanong「Ano ang klase para sa mga may edad 」

Ito ay klase nang pag-aaral sa wikang hapon.

May gusto mag-aral ng wikang hapon ngunit maraming iniisip kung ano ang dapat gawin at pag-aralan.Sa dahilang yan kaya sinimulan ang klase na ito.May mga estraktura ang level sa 3 grupo.「hindi nakakabasa at hindi nakakapagsalita,「Nakakapagsalita ngunit hindi nakakabasa」、「Nakakabasa ng kaunti, at nais matuto ng Kanji.May iba’t ibang dahilan. Sa mga nag iisip ng ganitong bagay, halina at sumali kayo~

↓↓ ito ang larawan kung paano ang pagtuturo at pag aaral. Nagsimula na ngayung taon 2025 ang unang termino ☺️↓↓

Agusto 10,2025 nagsimula ang Otonano Nihonggo at susunod ang ika 2 termino.

500 yen ang bayad sa 6 na sesyon nang pag aaral.

Sa inyong lahat, halina sumali kayo ~

Araw na may klase ang OTONANO NIHONGGO :

Agusto 10,17,24,31 linggo(10:00 am~11:00 am)

Septyembre 14,21 linggo(10:00 am~11:00 am)

Hihintayin namin ang inyong pagsali(^v^)

Pagpapaliwanag sa iba’t ibang wika tungkol sa pagpasok ! Gaganapin sa Agusto 30 (sabado)

Gagawin din ngayong taon ! ang pagpapaliwang sa iba’t ibang wika tungkol sa pagpasok.☆

Sa mga pamilya at mga batang naka enrol sa Abril 2026 na papasok sa grade 1, mangyaring dumalo kayong lahat.

Wikang salin: Wikang Hapon,Wikang Portugal,Wikang Vietnamese,Wikang Espanyol Wikang Indonesian, Wikang Filipino, Wikang Tsino, Wikang Nepal at Wikang Ingles.

Wikang hapon ang pagpapaliwanag, ngunit may kasabay na tagasalin. At para mas maunawaan,mayroon ding maiksing video. Panoorin ito kasama ang inyong anak.

Ang mga binigay na papel ay tungkol sa matrikula sa elementarya,isang taong skedyul, mga kagamitan sa paaralan, pangalan ng paksa at mga larawan na may paliwanag. atbp.

Darating din ang mga staff ng pasilidad ng pangangalaga, ang JIDO CLUB !!!! Mangyaring makikinig sa paliwanag (^_-)-☆

May korner nang pasilidad ng pangangalaga at nandoon ang guro para sa mga nais ng payo.May korner din para makita ang mga kagamitan sa paaralan☆

Bago pumasok,mayroong programa ng pag-aaral ng wikang hapon “PRESCHOOL”mayroong gabay kung paano mag apply♪

May munting regalong nakahanda sa mga bata galing sa donasyon ng Food Bank Nishio☆彡

Sa mga hapon na hindi masyadong alam ang tungkol sa elementarya ng Nishio shi, Huwag mag atubiling pumunta! May nakahanda ring mga papel sa wikang hapon.

    ※Sa mga nakapag apply na sa Nursery at Kindergarten, tapos na ang reception ninyo.kaya hindi na kailangang mag apply ulit.

Lektura sa kaligtasan ng pamumuhay 2025

Noong hulyo 26 ng umaga, inimbitahan ang pulis ng Nishio para sa lektura sa kaligtasan ng pamumuhay.

Ngayun taon, ang mga estudyante ay nagsalita , Talk style, batay sa tema ng pag-uusapan.

Sa bakasyon ng tag-init upang makaiwas ang mga bata sa panganib tungkol sa SNS,DROGA,ILEGAL NA TRABAHO. Nagbigay ng halimbawa tungkol dito. Ang mga dumating na mga estudyante ay nakinig at nagsalita nang kanilang opinyon tungkol sa paksa.

Sana ay masabi niyo「Masayang tag-init na bakasyon」panatilihing ligtas at maayos ang kalusugan!

Masayang Pagtitipon 2025…

Ngayung taon ay ginanap na naman ang masayang pagtitipon sa bakasyon ng tag-init!

Tumulong ang mga junior at senior high school sa mga staff at masayang nakisalamuha sa mga bata.

Ang mga stall ngayung taon ay ganito↓↓ 

paggawa ng slime☆

pag target🥎

pompon curling♬

paggawa ng matamis・paggawa ng laruan🦕

kunekune imomushi🐛

bunbungoma ●■

punyudama sukui 🐥

mukashi asobi korner🌙

Stamp rally🍧

Maraming bata ang dumating at naging abala sa mga gawin, ngunit masaya ang lahat!

Sa lahat ng junior at senior high school na tumulong,maraming salamat ☆

Sa lahat ng dumalo sa masayang pagtitipon,Maraming salamat.

Masarap na Curry Rice nang Samahang Kainan Nishio.

Hulyo 26, sa mga mag-aaral ng junior at senior high school na tumulong sa event ay may inihandang Curry rice,fried potato at watermelon 🍉.

Ito ay ginawa ng samahan ng kainan ng Nishio.Umaga pa lang ay pinagsikapan na itong lutuin!Sa mga dahilan ng relihiyon, ginawan din ng sho omusubi at fried potato.Nabusog at nasarapan ang lahat!

Maraming salamat☆彡

Samahan ng pagbayo ng Malagkit na bigas (Mochi)

Agusto 1 biyernes, habang bakasyon ng tag-int sa Kira class at Isshiki class ay magkasabay na ginawa nang mga bata sa unang pagkakataon ang pagbayo nang malagkit na bigas (mochi) .

Umaga pa lang ay aktibo na sa pagtitipon ang lahat, kahit mainit ang panahon!At mainit din ang MOCHI ~

Masaya ang mga bata habang tinitingnan ang pag-ikot ng makina at ang tunog nito habang ginagawa ang mochi, nagsisigawan at namamangha sila .

Mainit ang bagong gawang Mochi. humahaba ito at malambot. Dumidikit din sa kamay. Kahit mahirap gawin at mainit,binilog ito.

Sa una, hindi intresado ang mga bata, ngunit ng mabuo ang bilog at maputing Mochi,natuwa ang lahat at maraming nakain. mabuti naman.

Sa mga nahihirapang gumawa ng kumposisyon,maganda itong paksa……

Maraming salamat☆

※ Hulyo 26 (sabado) Pagtuturo tungkol sa kaligtasan sa pang araw-araw na pamumuhay sa iba’t ibang wika!(para sa mga junior at senior high school)

Sa mga tagapag alaga at sa mga junior high school at mataas na grado na nag aaral.

Ang pagtuturo ng kaligtasan sa pang araw araw na pamumuhay ay tumutukoy sa tema na huwag masangkot sa bawal na gamot,SNS,ilegal na part time na trabaho.Ito at ipapaliwanag sa ibat ibang wika upang mas maunawaan.

Upang maging masaya ang inyong tag-init na bakasyon.Makikipagtulungan ang Nishio Police upang maiwasan na masangkot sa mga insedente at makagambala sainyong bakasyon.Ipaalam ano mang insedente upang matulungan ng Nishio police at makatakas

Sa mga tagapag-alaga,mangyaring makilahok at maaari din na mga estudyante lamang

Sa iba pang detalye…. Tingnan ang flyers.↓↓

Maganda na ang kulay ng pinto🚪 Aktuwal na karanasan sa trabaho ng mga estudyante ng Nishio Junior High School..

Dalawang araw na karanasan sa trabaho ng estudyante ng Nishio junior High School、Tatlong estudyante ang dumating.

Sa pagbukas, paghahanda at paglilinis ay kasama sila ng mga staff na gumawa at tumulong din sa klase ng kanen class.Tumulong din sila sa mga gagamitin sa paghahanda ng rehearsal sa tag init.

At ang natirang pinturang kulay lavender ay ipinintura nila sa pintuan, maganda !!!!!

Ang dami nilang naitulong, kaya pagod na pagod sila.

Sa pagkakataong ito ng karanasan ng trabaho, nasabi nila na nakakatuwa pala ang magtrabaho,masaya pala ang nagkaka edad.Nakakatuwa kung ang mga bata ay nag iisip ng ganito.

Salamat sa inyong pagsusumikap☆

Nakumpleto na ang Ulat ng Aktibidad ng taong Reiwa 6!

Ang ulat ng aktibidad sa taong Reiwa 6 ay natapos na! Sa Website Information ay makikita↓

Information – 多文化ルームKIBOU

Maraming mga larawang naka post upang makita ang kaganapan ng mga bata. At makikita ang kanilang ekspresyon at kung gaano sila kasigla sa kanilang ginagawa.