Bumisita kami sa Part time high School…

「KANEN class」ng KIBOU ay mga batang galing sa ibang bansa na nagtapos ng pag aaral.Ganon din ang mga nagtapos ng high school sa japan na dahil sa situasyon ng pamilya ay hindi nakapasok sa tamang panahon sa senior high school. Dito sila nag aaral.

Ang part time high school ang pinaka madaling paraan upang makapag aral at makakuha ng diploma sa high school na malapit sa kanilang tirahan.

Ang mga estudyante na naninirahan sa nishio na gamit ang bisikleta sa loob ng 30 minuto papunta sa paaralan ay awtomatikong maipapasok sa pang gabing klase.

Ang buhay eskuwela dito sa japan ay magkaroon ng bagong kaklase at kaibigan,mga aktibidad ng club at masaya silang lahat sa paaralan.

Kaya lang ,dahil sa ang kanilang pinag aralan sa wikang hapon ay mababaw o madali lang at kulang sa karanasan dumadaan sila ng hirap sa pag aaral.

Kahit na makatapos sa mataas na antas ng pag-aaral,kakailanganin pa rin ang magsumikap at magsipag sa pag-aaral kaysa iba.Kahit alam niyo na kaya niyo,kailangan niyong tanggapin ang hamon.

Napakalaking pasanin ito sa mga guro at pamilyang sumusuporta sa kanila.

Hangad namin na makapasa kayong lahat sa inyong pagsusulit.

コメントは受け付けていません。