Ang Paggawa ng OHAGI

Tapos na ang bakasyon ng tag-init sa KIBOU,simula na nang pagpasok at pag aaral.

Patuloy pa rin ang mainit na panahon, at para maging memorable ang bakasyon ng mga bata.Gumawa kami ng OHAGI.

Klase ng mga estudyante na kararating lang sa japan. ang malagkit na bigas ay malambot at dumidikit sa kamay. Unang beses nilang natikman ang lasa ng ANKO or (red beans) na minatamis, KINAKO or (pulbos ng soya) hindi ito matamis. Pagkain na gawa sa bigas.

Pagkatapos na pag aralan kung anong pagkain ang madaling gawin at kainin agad. OHAGI ang napagkaisahang gagawin.

Makikitang masarap na kinain ng mga bata ang kanya kanyang binilog na OHAGI. May bata rin na nilagay sa daliri ang KINAKO dinilaan at kinain..Matamis at mabago ito kaya nasarapan sila~, nauunawaan namin ito.

Kararating lang nila sa japan kaya medyo malungkot,nag iisip na baka walang maging kaibigan.Kadalasan itong suliranin ng mga kabataan.Sa paraan ng aktibidad na ito magkakaroon kayo ng mababait na kaibigan.

Ang malagkit na bigas at ang makina na ginamit sa pagagawa ay galing sa FOODBANK NISHIO!!!!

Maraming Salamat☆

コメントは受け付けていません。