Agusto 1 biyernes, habang bakasyon ng tag-int sa Kira class at Isshiki class ay magkasabay na ginawa nang mga bata sa unang pagkakataon ang pagbayo nang malagkit na bigas (mochi) .
Umaga pa lang ay aktibo na sa pagtitipon ang lahat, kahit mainit ang panahon!At mainit din ang MOCHI ~
Masaya ang mga bata habang tinitingnan ang pag-ikot ng makina at ang tunog nito habang ginagawa ang mochi, nagsisigawan at namamangha sila .
Mainit ang bagong gawang Mochi. humahaba ito at malambot. Dumidikit din sa kamay. Kahit mahirap gawin at mainit,binilog ito.
Sa una, hindi intresado ang mga bata, ngunit ng mabuo ang bilog at maputing Mochi,natuwa ang lahat at maraming nakain. mabuti naman.
Sa mga nahihirapang gumawa ng kumposisyon,maganda itong paksa……
Maraming salamat☆















