Nag excursion kami 🍙🎒sa SAKUSHIMA🚢…..

Noong Mayo 20, ang fushu gakko at kanen class ay nag excursion sa Sakushima.

Ang Sakushima ay isang liblib na lugar sa loob ng nishio at malilibot ang buong lugar sa loob ng isang araw.

Ang mga batang nag aaral sa KIBOU ay hindi pa nakakarating sa Sakushima.At may mga bata rin na hindi pa nakakasakay ng bangka. Tamang pagkakataon ito kung kaya ang Sakushima ang napiling puntahan!

Sa mga batang unang sumakay sa bangka, may kaunting pag aalala subalit 20 minutos lang naman ang layo ng biyahe at habang iniisip na ( Ang lawak ng dagat) ay dumating na sa isla.

Ganito ang klase ng iterinaryo ng excursion↓↓

Estasyon ng train sa nishio 8:40 Sumakay sa Bus(¥200)🚌 ➡ Bumaba sa Sakana isshiki hiroba🚌 ➡ Simula sa isshiki maki, sumakay ng bangka (¥830)🚢➡ 20 minutos hangang sakushima at bumaba sa nishimaki. 

Naglakad ng kalahating araw sa buong isla👣👣 

Sakushima Higashi maki sumakay🚢➡ bumaba sa isshiki maki➡ sumakay ng bus sa isshiki sakana hiroba🚌➡ Alas 4 ng hapon dumating sa estasyon ng train sa Nishio 

Naglakad, umarkila ng bisekleta, may mga magandang pinta na maaaring pumasok sa loob, mga tunog ng alon ang maririnig at magandang buhangin na nakaka relax. Mga lugar ng shells na kulay lila na maaaring pulutin. Magandang bato na sa lugar lang na ito makikita habang naglalakad ng dahandahan.

コメントは受け付けていません。