Klase para sa may mga edad(Junior High School Graduate hanggang 18 years old)

Para sa mga gustong mag-aral sa high school at vocational school.Nagsimula na rin ang klase para sa mga may edad. ※ Pagpaumanhin! walang klase para sa unibersidad!

Maaari kang mag-aplay at lumahok anumang oras. Kung ikaw ay karapat -dapat, mangyaring pumunta at bumisita.

Minsan,sinasabi ng nag aaplay na「Kararating ko lang sa Japan kaya hindi ako marunong mag hapon at nahihiya ako!」Ito ang klase para sainyo.Huwag kayong mahihiya, pumunta kayo at huwag mag atubili.

May mga bata na lumaki na ang naririnig ay「kailangan lang matutong magsalita ng hapon 」para makapagtrabaho sa kumpanya.Ngunit ito ay henerasyon ng mga magulang. Kung ang isang hustong gulang ay nakatapos ng high school o unibersidad sa sariling bansa, maaaring maayos ito.Gayunpaman, ang mga batang lumaki sa Japan ay wala sa parehong kapaligiran tulad ng henerasyon nang magulang.Mas mabuting makatanggap sila ng tamang edukasyon, matutong mag-isip, magdesisyon at tumupad sa pangako. Magkaroon ng kakayahang mamuhay, hanggang sa sila ay dumating sa edad na humigit kumulang na 18 taong gulang.

Ngayung taon, nagsisimula na ang pag-aaral ng mga batang nagmula sa Peru,Indonesia,Vietnam at Pilipinas.

Mag-aral ng mabuti at hubugin ang sarili para sa magandang kinabukasan!

コメントは受け付けていません。