Sesyon Nang Impormasyon Ng Paaralan Sa Iba’t Ibang Wika…

Noong huling sabado ng Agosto idinaos ang sesyon ng impormasyon ng paaralan sa ibat ibang wika.

Ngayung taon din ay marami ang dumalo, Maraming salamat sa mga tumulong at nakiisa upang maganap ang sesyon!

Marami ang nag apply na magulang na nagsilang ng anak dito sa japan, sa mga nag papalaki ng anak at naramdam ang kanilang mataas na interes tungkol sa impormasyon. Naniniwala kami na ang mga tamang paliwanag at kaalaman ang pinakamahalagang tungkulin upang maihatid ito para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagkalito ng magulang o tagapag-alaga.

May mga nag apply ngunit hindi nakarating, ito ay dahil sa may trabaho! Huwag mag alala dahil ipapadala sainyo ang mga papeles tungkol sa mga pinag-usapan.

At nakakatuwa ay may Japanese din na sumali sa sesyon (^o^). Natural lang na alam na ng Japanese ang tungkol sa bansa nila, ngunit hindi lahat ng bagay ay alam tulad ng pag pasok sa paaralan sa unang pagkakataon. Tulad ng kung bago ang tirahan , at wala pang kakilala sa paligid. Maraming ganitong pangyayari.

Kung ito ay mababasa ng japanese na magulang na may alalahanin tungkol sa binanggit sa taas na usapan,huwag mag atubili na mag punta sa KIBOU at Childcare Division center sa Nishio City Hall. At puwede rin sa School of Education sa 4th floor din ng City Hall. Upang malaman ang serbisyo tungkol sa multilingual school enrollment At humingi ng mga kailangang papeles.

Upang mapaunlakan ang mga kalahok sa mas maayos na paraan, ang seminar ay ginanap sa dalawang parte na may magkakaibang oras ng pagsimula para sa ibat ibang wika. Gayunpaman, nag alala na baka magkulang ang upuan, Meron din pamilya na kararating lang ng Japan at nag aasikaso ng pag proseso ng papeles sa City Hall, Meron din na dahil sa kaibigan kaya nakapunta ng city hall. At meron din na tinuruan ng guro sa Nursery at kindergarten ng pagpunta sa city hall at magtanong.

Sa mga hindi naka punta sa sesyon at may interes na malaman ang tungkol dito, may mga video na mapapanood para sa kaalaman ng pagpasok sa paaralang elementarya. Nasa 1 hanggang 3 minuto ang bawat isang video.Ito ay may wikang portugal, wikang vietnamese, wikang hapon, wikang kastila, wikang indonesian, wikang tagalog at mayroon din wikang ingles.

コメントは受け付けていません。