
Pumunta kami sa HEIKINAN SEASIDE AQUARIUM , kasama ang klase ng Fushuen, Fushugaku at may mga edad na klase.
Isang Spring excursion…..
Nagsimula ito sa pagbibigay ng libreng ticket🎫 ng HEIKINAN SEASIDE AQUARIUM ♪
At pagbibigay ng subsidiyo o tulong pamasahe para sa pagsakay 🎫 sa tren🚃 at bus🚌. (https://www.city.nishio.aichi.jp/kurashi/kotsu/1001409/1004929.html)
Isang napakatipid na excursion.
Ang mga may edad na klase ay gumawa ng mga ” BOOKMARK ” at isinulat ang mga oras ng train, mga dapat gawing pag ingat. At mga bagay na dapat malaman.



Masaya at masiglang naglalakad at kumakanta ang mga bata ng (OSAKANA TENGGOKU ) at sumakay ng tren.
Ang malalaking bata naman ay nakakita ng iba’t ibang klase ng isda na magaganda at pambihirang makita. At kumuha ng maraming larawan.
Isa itong bago at kapana-panabik at napakasayang SPRING EXCURSION…!!!!!




