Ang pag-aaral sa ONLINE (ZOOM) ay para sa pag-iwas sa CORONA VIRUS 

SA LAHAT NG NAG – AARAL SA KIBOU.

Dumarami na ang nahahawa ng CORONA VIRUS dito sa lungsod ng NISHIO.

May 10, 17 tao ➡ May 11、23 tao ➡ May 12, 37 tao 

Ito ang dahilan kung bakit idineklara ang Estado ng Emerhensiya (State of Emergency).

(Kinkyu Jitai Wa, Abunai) MAPANGANIB NA EMERHENSIYA !!!!!

(FUTSUJYANAI) Hindi pangkaraniwang situasyon ang ibig sabihin nito.

Hindi lumalakad ang CORONA VIRUS. Hindi nakikita, walang kulay at walang amoy.

Kaya napakadali nitong kumapit sa tao, lumipat sa ibat ibang lugar at makahawa. Kaya kung tayo ay madalas na lumabas at makihalubilo sa maraming tao. Maraming tao din ang magkakaroon ng CORONA VIRUS at mahahawa nito.

Ang pag-aaral sa ONLINE (ZOOM) sa KIBOU ay para maiwasan ang CORONA VIRUS. SALAMAT SA INYONG PANGUNAWA..

Kapag natapos na ang (Kinkyu Jitai Senggen) STATE OF EMERGENCY.

MAAARI NG PUMUNTA SA KIBOU AT MAGKITA KITA TAYONG MULI…..

コメントは受け付けていません。