Tuwing Martes

Magandang hapon po sa inyong lahat, para po sa mga Pilipinong naninirahan sa Nishio City, nais ko pong ipaalam sa inyo na may maglilingkod na sa inyo tuwing martes mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Sa gustong ipasok ang kanilang mga anak upang maturuan ng Japanese o mga leksyon na hindi alam at hindi matulungan ng mga magulang abala sa pagtatrabaho, huwag mahiyang pumunta at magtanong dito lang sa KIBOU.

Konting pagpapakilala lang po sa Davao City, lungsod na makikita sa Mindanao. Sa panahon ngayon, maraming ayaw at gustong tumira sa Davao dahilan ito sa naging Pangulo ng bansa simula nitong taon ng election. Dumarami ang mga turistang pumupunta sa Davao upang tikman ang Pambansang prutas at ito ay ang Durian. Marami din dagat na magagandang maaaring puntahan hindi lang pang turista kundi kahit tayong mga pinoy na nasa malayo sa loob o labas man ng bansa. Marami kayong mapupuntahang pasyalan na mag-eenjoy talaga kayo.

コメントは受け付けていません。